Chapter 23

2.4K 89 14
                                    

Azul Juno

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Seeya nang umalis na yung apat. Damn! I think I'm not yet ready for this. Kung hindi ko lang talaga crush si Renee ay hindi ko to gagawin.

Kung hindi lang ako natatakot na mabugbog ulit ay hindi ko siya susundin. Tumatango tango nalang ako kanina pero ang totoo ay labag sa loob ko ang mga yun.

Kasalanan naman talaga ng pangit na to kung bakit kami nag away kahapon. May padiet diet pa siyang nalalaman. Tapos nung kinain ko yung pagkain niya saka siya magwawala.

May pa "Shanum hindi muna ako kakain ngayon kasi nagdadiet ako. Iwan mo nalang muna diyan yung para sa akin. Tatawagin ko lang sila Kiu at Renee."

Tapos pagbalik niya, bigla niyang hahanapin yung pagkain? Tapos aawayin ako? Hindi ito makatarungan! But then again, I need to do this for Renee. Kahit naman nakakatakot siya at may pagka amazona ay hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya.

Napangiwi ako nang maalala ko yung pagbubugbog niya sa akin kahapon dahil sa pag iwan ko sa pangit na to nung nasa Atticus pa kami. Nilaglag ba ako ni Shanum? O sinumbong ako ng pangit na to? Maybe the latter, hindi naman kasi masyadong maingay si Shanum.

Hindi manlang ako hinayaang makapagexplain ni Renee. Ni hindi ko manlang nasabi yung side ko. Hindi talaga makatarungan! Bakit parang ako yung lumalabas na masama? Bakit ako yung may kasalanan? Kahit sa totoo lang ako nga yung pinaka agrabyado dito. Ako yung kawawa. Justice, please.

I'm innocent!

In the first place siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ko siya iniwan noon. Sumobra na ang kaartehan niya. At kasalanan ko bang ako ang nakakita sa kanya at hindi si Haji? Damn! I hate her.

Now I can't imagine it. Azul Juno the handsome prince? Hihingi ng tawad sa isang pangit? Halos hindi ko masikmura.

Pero syempre, sisikmurain ko. May sikmura ako eh, at para na rin kay Renee. Dagdag pogi points. Kailangan kong magpanggap na mabait, kahit na mabait naman na talaga ako.

May sinabi din naman akong katotohan kay Renee kanina. At yun ay ang pinagsisisihan kong iniwan ko ang sirenang to. Yes, I really regret what I did.

Dahil kung hindi ko siya iniwan noon ay hindi ako mabubugbog ni Renee. At hindi ako masisigawan ni Shanum.

Pero aamin kong natakot ako sa ginawa ng sirenang to kahapon. Akala ko talaga katapusan ko. Buti nalang ipinagtanggol ako ni Renee. Mas lalo tuloy lumakas ang loob kong may gusto rin siya sa akin. I bet, hindi na siya babalik ng lupa para sa boyfriend niya at mananatili na dito. Why? Because I'm here! Her handsome Prince.

Napatingin ako sa pangit na sirena nang tumikhim siya. Papansin.

But I need to be nice. I need to pretend that I'm nice to her.

"Hey!" tawag ko sa kanyang pero hindi manlang siya lumingon.

See? Napakasama ng ugali niya! Kung ako ang masusunod iiwan ko na siya mag isa dito. Wala siyang kwentang kausap.

Huminga ako ng malalim bago muling magsalita. "I'm sorry for what I did. I promise not to do that again." nauutal na sabi ko.

Shit. Gusto kong murahin ang sarili ko. Why is it so hard to say sorry? Damn! Maybe because wala naman talaga akong kasalanan at inosente ako.

Hell yeah! Inosente ako!

Nakita kong tumango lang siya habang nakatingin pa rin sa malayo. I knew it. Wala talagang patutunguhan itong pinapagawa sa amin nila Renee at Shanum. Ni hindi manlang magsalita ang isang to. Ang sakit niya sa ulo. Hindi niya deserve kausap ang isang gwapong prinsipe tulad ko.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon