Isang linggo na ang lumipas nang makarating kami dito sa lupa. Linggo ngayon at nakatambay kaming lahat sa sala. Sa buong isang linggo, marami silang natutunan. Naging taong bahay kaming anim at lahat ay inaasa namin kay manang. Mabuti nalang at dumating na yung dating driver namin kaya hindi na nahihirapan si manang sa pag commute tuwing namamalengke siya.
Sa buong isang linggo ay maraming nangyari. Unti unti silang nasanay sa pamumuhay dito sa lupa. Ang hindi lang siguro maayos ngayon ay ang hindi pa rin pagpapansinan nila Seeya at Azul sa hindi namin malamang kadahilanan. Naging mailap si Azul kay Seeya. Naging seryoso din siya at hindi na maloko tulad noon. Iniisip ko nga kung dahil pa rin iyon kay Harry Potter.
Kaswal lang naman sa isa't isa sila Haji at Shanum. Mukhang nakalimutan na ni Shanum ang ginawa sa kanya ni Jacob noon dahil hindi naman na niya ito binabanggit. Si Haji naman, hindi ko mabasa. Medyo nagbago siya pero, ewan ko. Medyo naging seryoso din siya tulad ni Azul, at hindi ko rin alam kung ano dahilan.
Masaya ako estado namin ngayon ni Kiu. Normal lang ang pakikitungo namin sa isa't isa. Matapos ang gabing yun ay naging malinaw na ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Wala pang label ang relasyon namin ngayon, pero ang mahalaga ay malinaw na. Katulad noon ay madalas uli kaming magkasama. Halos hindi rin siya lumayo sa akin. At kuntento na ako doon.
Seryoso kaming lahat ngayon habang nanonood ng teleserye sa tv at nakaupo sa mahabang sofa. Napalitan na ang tv na binasag ni Kiu, thanks to Dad's money. Nasa pagitan ako nila Seeya at Kiu. Katabi ni Seeya si Shanum habang sa gilid naman ni Kiu sila Azul at Haji.
"Ano ba yan! Commercial break na naman!" reklamo ni Seeya.
Bawat commercial break ay yan ang lagi niyang sinasabi. Nakakabitin daw kasi. Napapabuntong hininga nalang ako tuwing sinasabi niya yun. Napakareklamador niya talaga kahit kailan.
Abala kami sa panonood nang biglang nagflash ang isang balita. Napasinghap kaming lahat at natulala.
"Sa susunod na linggo na mangyayari ang inaabangang lunar eclipse na nangyayari lamang sa loob ng isang dekada. Ang mga siyentipiko ay naghahanda na upang pag aralan ang misteryosong eclipse na ito..."
Natahimik kaming lahat. Para akong nanigas sa kinauupuan ko. What the hell?! Next week?! Akala ko ba ay isang buwan pa bago mangyari ito?!
Napatingin kaming lahat kay Haji nang bigla siyang napatayo. "Nagkamali ba ang mahal na reyna at maging ang higanteng kabibe na iyon? Ano ito?" tanong niya at isa isa kaming tinignan.
Hindi ko din alam kung anong nangyari. Pero kung totoo mang sa susunod na linggo na ito, ibig sabihin ay kailangan na naming mahanap ang perlas ngayong linggo. Meron lang kaming limang araw para hanapin ito. Oh God. Ang dami naming oras na nasayang!
Posible pa kaya ang misyong ito?
"Ano nang gagawin natin ngayon?"
Natahimik kaming lahat sa tanong ni Shanum. Walang sinuman ang nakaka alam ng sagot. Damn.
Sa gitna ng katahimikan ay biglang nagring ang phone ko. Nakitang kong si Sanya ang tumatawag. Matapos kong sabihin kung ano ang ipapagawa ko sa kanya ay ngayon lang siya tumawag. Tumayo ako at sinagot ang tawag.
"Hello, Sanya?"
Wala ako sa mood na sungitan o pagtripan siya ngayon. Sana lang ay maayos ang kanyang sasabihin, dahil kung hindi ay ipapakain ko siya sa mga Requim.
"Miss Everlue, nahirapan akong gawin ang pinapagawa mo dahil wala namang mga-"
"Just go straight to the point, Sanya." inis kong putol sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Mermaid's Tale (COMPLETED)
FantasyShe lived a normal life for 18 years. Until one day, she discovered that she's different from everyone around her. That she's a Mermaid and she has a mission to do. Will she accept it or not? *** Started: September 20, 2017 Ended: December 31, 20...