Chapter 18

2.5K 96 4
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata ay wala na ako sa dagat. Ramdam ko ang malambot na kama sa aking likuran.

Hindi ako pwedeng magkamali, nandito ako ngayon sa aking kwarto sa lupa. Sa dati kong tahanan.

Tumingin ako sa ibabang parte ng aking katawan. Wala na ang aking buntot at bumalik na ang aking nga mga paa.

Anong nangyari?

Bakit ako nandito?

Hindi ba nasa karagatan ako?

Hindi ba totoo ang lahat ng yun?

Hindi ba sila totoo?

Sila ina? Azul? Seeya? Haji? Shanum? at Kiu?

Nagulat ako nang biglang bumukas ang aking kwarto. Iniluwa nito si Daph na hingal na hingal at tila ba galing sa pagtakbo.

Saglit akong napatigil nang makita siya. I missed her so much at masaya akong makita siyang muli. Wala akong ibang nagawa kundi titigan lang siya.

Pumunta siya sa tapat ko at nag crossed arms. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi niyang 'What in the hell is that look?'

"Ano? Tutunganga ka nalang ba diyan? Kanina pa kami naghihintay nung baby mo sayo! Ikaw talagang Split Personality Queen ka! Ang sakit mo sa bangs!" saad niya at nag flip hair.

I missed her annoying voice.

I missed her childish personality.

I missed how she call me 'Split Personality Queen'.

I missed everything about her.

Dali dali akong tumayo at niyakap siya. Bigla nalang bumuhos ang mga luha ko.

"I miss you so much, Daph." saad ko habang humihikbi.

Now I know that this is not real. That it's just a dream because it's too good to be real. Pero masaya akong kahit dito man lang sa panaginip ay nakita at nakasama ko siya.

Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin. Mas lalo akong napahikbi.

I missed her touch.

"I miss you too Clara. When will you come back?"

Natigilan ako sa tanong niya.

It's funny how we can communicate in a dream. Or are we really communicating?

I guess not. Because I'm aware that this is just a dream and dreams aren't real.

Pero hindi naman siguro masamang sumunod ako sa takbo ng panginip ko.

Kumalas ako sa yakap at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"I don't know, Daph. But I promise that I'll come back to you no matter what."

Ngumiti siya pabalik at hinalikan niya ako sa pisngi.

"We'll wait for you, Clara. We'll wait."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay parang unti unti siyang naglalaho.

"Daph, what's happening?! Daph. Please don't leave me!"

"We'll see each other again soon, Clara."

Yan ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang nawala.

"Daph!"

"Daph, please come back! Don't leave me please!" sigaw ko habang patuloy sa pag iyak.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon