Chapter 42

2.1K 102 19
                                    

"Renee, it's dinner time. Wake up!"

Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Hindi ko pa kayang magmulat ng mata dahil sa sobrang antok.

"Hey! I'm so hungry! Gumising ka na para makakain na tayo!"

Napabangon ako nang sumigaw ng malakas si Seeya. Tinignan ko siya ng masama at nag peace sign naman siya. Tss.

"Where are the others?" tanong ko.

"Sa dining room. Ikaw nalang ang hinihintay." sagot niya at umirap.

"Mauna ka na, susunod ako. Mag aayos lang muna ako ng sarili ko." saad ko.

Dinuro niya ako. "Basta siguraduhin mo na bibilisan mo. Gutom na kami!"

Natawa ako sa sinabi niya. Tumango ako at lumabas siya ng pinto. Kahit sobrang hirap ay pinilit kong bumangon at nagpunta sa banyo. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba at magtungo sap dining room.

She's right. Ako nalang ang hinihintay at mukhang bagot na bagot na silang lahat maliban kay Haji. Nakahain na ang lahat ng pagkain sa mesa.

"Where's manang?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila.

Si Haji ang sumagot. "Nasa labas. May kausap sa ano... Basta may hawak siyang kung ano tapos may kausap siya doon. Ang sabi niya ay mauna na tayong kumain."

Ang ibig niya sigurong sabihin ay cellphone. Siguro ay kausap ni manang ang mga kamag anak niya. Gustuhin ko mang pauwiin muna siya, hindi pwede. Dahil wala akong alam sa mga gawaing bagay. Cup noodles lang ang alam kong lutuin kaya kung wala siya ay paniguradong mamamatay kaming anim. Pwede namang bumili o magpadeliver, pero mas gusto ko ng lutong bahay.

"Hindi pa ba tayo kakain?"

Natawa ako sa sinabi ni Azul. "Okay, let's eat."

Parang gatilyo ang sinabi ko at nagsimula na silang kumain kahit na hindi pa ako nakakaupo. Umupo ako sa pagitan nila Shanum at Azul at nagsimula na ding kumain. Panay ang papuri ni Seeya sa mga pagkain. Sinabi pa niyang sana ay may mga ganito din sa dagat.

"What's our plan now?"

Napahinto kaming lahat kumain nang magsalita si Shanum ng seryoso. Plan? Is she talking about our mission? Yeah, of course.

"Renee knows where to find it." wika ni Seeya habang ngumunguya.

It's obvious that she's referring to the stone kahit hindi naman yun ang tanong ni Shanum. Pinabilis niya lang ang usapan.

"Let's start finding it next week. Alam kong maraming oras ang masasayang pero kailangan niyo munang masanay sa pamumuhay dito sa lupa. Ayaw kong maulit ang nangyari kanina." matapos kong sabihin yun ay sumulyap ako kay Kiu.

Nag iwas siya ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Guilty.

"Ayos lang, Renee. May punto ka naman. Next week then." wika ni Haji at nagpatuloy kumain.

They all agreed kaya nakahinga ako ng maluwag. We're only one step ahead on finishing this mission. I hope we do it right. We still have more than a month and that's plenty of time. Though, kahit anong araw naman ay maaari kaming bumalik dala ang mga perlas. Basta huwag lang kami abutin ng lunar eclipse na sinasabi ni ina.

Speaking of ina, I miss her so much. Hindi na ako makapaghintay na makita sa muli. Naisip ko kung anong mangyayari sa akin matapos ang misyong ito.

Nagplano akong babalik para kina Jacob at Daph, pero wala na sila dito. Mananatili nalang ba ako sa karagatan kasama ni ina? Dahil wala na akong babalikan dito. Kahit na sabihing maaari na akong mabuhay ng normal dahil malaking pera ang iniwan ni dad. Ayaw ko namang mag isa dahil malungkot.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon