Chapter 30

2.2K 90 15
                                    

"Seeya! Anong nararamdaman mo? Ayos ka lang ba?"

"Kamusta ka Seeya? May masakit ba sayo? Ano?"

Gulat na gulat si Seeya sa reaksyon namin ni Shanum. Masaya kaming gising na siya ngunit nag aalala rin kami. Nagpabalikbalik ang tingin niya sa amin ni Shanum. Kalaunan ay tumango din siya at yumuko. Ni hindi manlang siya nagsalita upang sagutin ang aming mga tanong.

Oh no. Not another traumatized mermaid.

Huwag naman sanang maging tulad siya ni Haji. Dahil hindi ko alam kung ano pang mga words of wisdom ang sasabihin ko upang mapagaan ang loob niya. Kung sakali man na kailanganin, nandyan naman si Shanum.

Nakapalibot kaming lahat sa kanya. Kami ni Shanum sa kanan, sila Kiu at Haji sa kaliwa, samantalang si Azul naman ay nasa paanan niya.

Walang nagsalita sa amin matapos iyon. Tila nabigla kaming lahat sa naging reaksyon ni Seeya. Nagkatinginan kami ni Shanum at parang nagkaintindihan kami gamit ang aming mga mata. There's something wrong with Seeya. Maaring katulad ni Haji ay na trauma din siya dahil sa lecheng kweba na yun.

Ngunit anong gagawin namin? Hindi naman pwedeng kausapin siya agad dahil kagigising lang niya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi ko mawari kung nag iisip ba siya o natutulog na.

"I think she needs some time alone." pagbasag ni Azul sa katahimikan.

Sumang ayon kaming lahat sa kanyang sinabi. Siguro nga ay kailangan niya munang mapag isa upang makapag isip at makapag pahinga.

Napakaseryoso ng lahat ngayon at hindi ako sanay.

Parang mas gugustuhin ko pang marinig ang mga nakakarinding pagbabangayan nila Seeya at Azul.

Ang pag awat sa kanila ni Shanum.

At ang pagtawa ni Haji.

Si Kiu, normal na sa kanya ang maging tahimik kaya sanay na ako. Ngunit ang hindi normal ay ang matatalim niyang tingin sa akin na para bang may ginawa akong masama.

Ano bang problema ng supladong sireno na to?

Epekto pa rin ba to ng nangyari sa Maidus Cave?

Napailing nalang ako. Hindi siya ang dapat iniisip ko ngayon kundi si Seeya.

Kahit ganito ang kalagayan ni Seeya ngayon ay masaya pa rin ako. At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil gising na siya.

Umalis kaming lahat upang bigyan siya ng oras na mapag isa. Kaming dalawa ni Shanum ay nagtungo sa itaas na bahagi ng lugar na kinaroroonan namin. Para kaming nasa isang bulkan at nasa loob kami nito. Ito lang ang nahanap naming pwedeng matuluyan pagkalabas namin ng kwebang iyon.

Sila Azul af Kiu ay bumalik kung saan sila nakapwesto kanina at sumunod naman sa kanilang dalawa si Haji. Mukhang may malalim silang pinag uusapan ngayon.

Tinignan ko si Shanum. Tulala lang siya habang nakatanaw sa malayo. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Anong nangyayari dito?

"Shanum! Bakit ka tulala diyan? Don't tell me na trauma ka na rin?" biro ko.

Sumeryoso naman ang kanyang mukha at pinaningkitan niya ako ng mata. Napalunok ako. Mukhang nasa serious mode siya ngayon.

"Manahimik ka, Renee. Iniisip ko kung paano tayo makakarating sa Helion gayong kailangan pa nating lagpasan ang kaharian ng Agua. Paniguradong nagkalat ang mga Requim at kawal sa lugar na iyon. Makukuha pa kaya natin ang perlas?"

Medyo napangiwi ako dahil may naalala ako sa sinabi niya. Nung kakainin na ako ng Requim na muntik nang kumitil ng buhay niya, at nung nasa Atticus ako. Nang nilagpasan lang ako ng tatlong Requim at walang ginawa sa akin.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon