Chapter 27

2K 74 5
                                    

Kiu Chadwick

Hindi ako yung tipo ng sireno na masyadong bokal sa mga nararamdaman. Ngunit nitong mga nakaraang araw, pakiramdan ko ay nag iba ako. Pakiramdam ko ay may nagbago sa sarili ko. Hindi ko lubos akalain na mapapalapit ako sa Prinsipe ng aming kaharian. Hindi ko rin akalain na magiging kaibigan ko ang iba pang mga dugong bughaw mula sa iba pang kaharian gayong isa lamang akong normal na sireno. Ngunit nagbago ang lahat nang mapasama ako sa misyong ito.

Akala ko, wala akong ibang gagawin kundi bantayan si Prinsipe Haji. Ngunit hindi. Napalapit na din ako sa mga kasamahan ko at ang pader na itinayo ko noon ay unti unti nang natitibag ngayon. At dahil iyon sa sirenang minsan ko nang naging kaaway. Hindi tulad noon ay mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Yung galit na dala dala ko mula nang mamatay si Kaius ay unti unting naglalaho. Ang malalim na sugat ng pagkamatay niya ay parang unti unting naghihilom.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Halos hindi ko na rin makilala ang sarili ko. Ngunit hindi ko maitatangging masaya ko ngayon. No, let me rephrase that. Masaya na sana ako ngayon, kung hindi lang ako iniiwasan ni Renee. At hindi ko alam kung ano ang dahilan. Noong isang araw ko pa iniisip kung may nagawa ba akong kasalanan sa kanya ngunit wala naman akong maisip. Maayos naman kami nang gabing iyon. Ngunit kinaumagahan ay parang bigla nalang siyang nanlamig.

Agad akong lumangoy papalapit kay Renee dahil sa sinabi ni Shanum. Tama siya, makakapag usap kaming dalawa ngayon. Para maliwanagan na rin ako kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Nang malapitan ko na siya ay nakita kong seryoso lang siya habang lumalangoy. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

"Renee." pagtawag ko ng kanyang pansin.

Panandalian siyang lumingon ngunit agad ding nag iwas ng tingin. There's something wrong. I know there's something wrong. Mabilis kong hinigit ang kanyang braso upang ipaharap siya sa akin. Nagkatitigan kami ngunit tulad kanina ay muli nanaman siyang nag iwas ng tingin.

"May problema ba? Bakit mo ako iniiwasan?" diretsahan kong tanong.

Tumigil kami sa paglangoy. Alam kong tumigil din si Geyenna ngayon at nagmamasid siya sa amin. Pero wala na akong pakialam. Gusto kong maliwanagan.

Hindi makatingin sa akin si Renee. Ramdam ko din ang panginginig ng kanyang katawan. Bakit? Kinakabahan ba siya?

"Hindi kita iniiwasan Kiu. Sadyang marami lang talagang nangyayari ngayon. You're overthinking." saad niya ng medyo nauutal.

Pinapaharap ko siya sa akin ngunit medyo nahihirapan ako dahil isang kamay lang ang aking gamit. Hawak ko sa aking kabilang kamay ang Trident ni Kaius. Ang tanging bagay na naiwan niya sa akin.

"No. I'm not overthinking. Alam kong may mali. Nararamdaman ko."

Pilit niyang kinakalas ang pagkakahawak ko sa kanya kaya mas lalo kong hinigpitan. Mahigpit ngunit hindi siya masasaktan. Yung sapat lang upang di siya makawala mula sa akin.

"Kiu, ano ba! Let me go!" mahinang sigaw niya ngunit hindi ako nakinig.

"I'm sorry, Princess. But I can't let you go. Tell me what's wrong, please."

Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ko. Lumipas na ang halos isang minuto ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Agad kong binitawan pansamantala ang aking sandata upang maging malaya ang isa kong kamay at gamit ito ay inangat ko ang kanyang baba at hinuli ang kanyang mga mata.

"Please, Princess. Tell me what's wrong. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung anong nagawa kong kasalanan sayo." pagsusumamo ko.

Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Mukhang nagpipigil siyang mapaluha. Ako naman ngayon ang umiwas ng tingin. Damn! I can't stand seeing her cry!

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon