CHAPTER 1

48.3K 594 37
                                    


CHAPTER ONE

WALA sa sariling lumabas ng elevator si Celine. Halos kalahating araw na siyang wala sa focus. Naglalakbay ang isip. Mabuti na lang at wala siyang naka-schedule na operasyon nang araw na iyon. Puro hourly rounds lang ang gagawin niya sa mga hawak na pasyente.

"Magandang tanghali, Doktora," bati ng nurse na nakasalubong niya.

Matipid siyang ngumiti. "Magandang umaga rin, Karla."

Siya si Celine Hampton, dalawampu at siyam na taong gulang. Kabilang siya sa mayamang angkan ng mga Hampton na nasa pagnenegosyo, subalit bata pa lang ay gusto na niyang maging doktor. Hindi na niya matandaan kung paano nagsimula o kung ano ang nag-impluwensiya sa kanya para gustuhin na maging doktor. Isa lang ang malinaw sa kanya: ang puso at isip niya ay laan para sa medisina. Kaya nang magkolehiyo ay walang pagdadalawang-isip na kumuha siya ng kursong Medisina. Her businessman father was so brokenhearted, pero hindi naman ipinilit ang kagustuhan na maging negosyante siya.

Celine went straight to her clinic. Napapagal na ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair bago pumikit. She felt restless. Ilang gabi na naman siyang hindi makatulog. At kapag nakakatulog naman ay dinadalaw ng panaginip. Panaginip? No, it was a nightmare. Dinadalaw siya ng bangungot na hindi nagpapatahimik sa kanya. Ang bangungot na iyon ay nagpapaalala sa kasalanan na ginawa niya anim na taon na ang nakararaan.

Umungol si Celine. Alam niyang tadhana na ang naniningil sa kanya. Oh, if she could only turn back time she would definitely do so. Babalikan niya ang nakaraan at itatama ang pagkakamaling nagawa. Subalit hindi na niya maibabalik ang nakalipas na anim na taon. And now she was paying the price for her sin. Hindi siya matahimik. Palagi ay inaatake ng guilt.

Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. Napalakas ang paghugot niya ng hininga. Sa sobrang dami ng isiping tumatakbo sa kanyang utak, hindi na niya namamalayan ang paglipas ng oras. Almost lunchtime na pala. Tumayo na siya para tunguhin ang clinic ng kaibigang si Lucrasia Guno o mas kilala sa tawag na "Luka." Isa ring doktor. Ibinilin ni Luka kaninang umaga na puntahan niya ito sa tanghali.

Habang naglalakad sa hallway, napansin ni Celine ang mga humahangang sulyap na ibinabato sa kanya ng mga nakakasalubong. Oh, matagal na siyang nasanay sa ganoong atensiyon. Why, she was gorgeous. Bukod sa natural grace at poise na dulot ng pagiging mayaman, maganda talaga siya. Matangkad, maputi, at nagtataglay ng prominenteng facial features. Para siyang magnet na humihigop ng atensiyon mula sa kalalakihan.

Nag-warning knock muna si Celine bago binuksan ang pinto ng clinic ng kaibigang doktor. "Luka..."

Saglit lang na nag-angat ng tingin si Luka nang makita siyang pumasok sa clinic, pagkatapos ay agad ding bumalik sa pagkakayuko. Mukhang may binabasa sa ilalim ng desk. Marahil ay ang cell phone.

Tuloy-tuloy siyang pumasok. Bago siya tuluyang naupo sa visitor's chair ay nahagip ng paningin niya kung ano ang pinagkakaabalahan ni Luka. Hindi cell phone ang hawak nito kundi libro. And Luka was totally engrossed in it. Dumaan ang ilang minuto na hindi siya pinapansin ng kaibigan. Tumaas ang isang kilay niya. "Hoy!"

"Sshh!" ani Luka na itinaas pa ang isang kamay para patahimikin siya, abala pa rin sa pagbabasa at panay ang lunok.

Tumayo si Celine. "Ano ba 'yan, ha?" Dumukwang siya at inagaw ang libro mula sa mga kamay ni Luka.

"Celine!"

Hindi niya pinansin ang kaibigan, sa halip ay pinasadahan niya ng basa ang nakabukas na pahina ng libro. He stopped fucking her and slapped her buttock hard. The hot sensation sent agony coursing through her pelvis. Her clitoris stretched and burned. She was in a state of pain and terror but she could not deny the sensation that... Itinigil niya ang pagbabasa, pagkatapos ay pinagtaasan ng kilay si Luka. "Nagbabasa ka ng ganito?"

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon