Chapter 5

17.6K 354 4
                                    


CHAPTER FIVE

MASUSING pinag-aralan ni Celine ang iginuhit. Nakamaskarang mukha iyon ng isang lalaki na may nanunuot na mga mata at sensuwal na mga labi. Hindi niya napigilan ang sarili, pumikit siya at sa isip ay binigyang buhay uli ang halik na naganap sa pagitan nila ng lalaki. That mind-blowing kiss they shared, the feel of his hot palm against her skin. And his gaze that could make her skin prickle, stirring a kind of excitement within her that was so peculiar to her. Napaungol siya. Hindi puwedeng hindi siya maaapektuhan kapag binabalikan ang naganap na halik sa pagitan nila ng lalaki. And worst, her body was asking for him! Binubuhay ng lalaki ang kanyang dugo.

God, Celine, ano'ng nangyayari sa 'yo? bulalas niya sa isip. Alam niya kung sino ka, pero dumaan na ang mga araw pero ni hindi siya nakipagkomunikasyon sa iyo. Just forget him. Forget the kiss, and forget the hunger he had awakened inside in your body! Oh, no. Napakaimposible yata na makalimutan niya ang lalaki. Ang lalaking nagawang palisin ang alalahanin niya tungkol kay Marc. Iyon nga lang, ito naman ang pumalit sa isip niya.

Sino ba ang lalaki? Bakit binigyan siya nito ng ganoong pakiramdam? Kailan niya ito makikita, makikilala? Kailan uli niya matitikman ang mga labi nito? Celine! kastigo niya sa sarili. But damn it. Pinagnanasaan niya ang isang lalaki na hindi niya kilala. "Sino ka ba? Sino ka ba?"

Ilang sandali pa at narinig na ni Celine ang pagkatok ni Digna sa silid. "Ate Celine, nasa ibaba po si Sir Marc," anunsiyo ng kasambahay.

"Sige, bababa na ako." Ipinaloob na niya ang sketchbook sa drawer ng bedside table. Marc promised her yesterday that he would take her to dinner. Hindi kasi nito natupad ang huli nilang napagkasunduang dinner. Nakabihis naman na siya at nakaayos. Nagwisik na lang siya ng pabango at lumabas na ng silid.

Nakaupo si Marc sa sofa, at tila abala sa pagkutingting sa hawak na cell phone. Aminado si Celine na guwapo si Marc pero hindi tumili at kinilig si Digna na katulad ng pagtili nito kanina sa lalaking nakilala niya sa party. "Marc..."

Tumayo ang lalaki at agad ibinulsa ang cell phone. "Shall we go?" kaswal nitong tanong.

Celine nodded. Kahit guwardiyado ang emosyon sa mga mata ni Marc, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa lalaki. Para bang tulad niya ay hindi matahimik ang isip.

Lumabas sila ng bahay. Marc opened the car door for her. Nakasakay na si Celine sa passenger seat nang mapansin ang isang itim na kotse sa labas ng gate. Napalunok siya. Baka siya iyon... Tumingin siya sa rearview mirror, naroon pa rin ang sasakyan. Kumabog ang dibdib niya nang tila sumusunod ang sasakyan sa kanila. Ikaw nga ba? Ikaw nga ba?

Pagkaraan ng kalahating oras ay magkaharap na sila ni Marc sa isang fine-dining restaurant. Kumain-dili si Marc. Panay ang paghugot ng buntong-hininga at minsan ay animo tagos-tagusan kung tumingin.

"Marc, okay ka lang ba?" tanong ni Celine.

His eyes became weary.

Inabot niya ang braso ng lalaki at marahang hinaplos. "If you're not feeling well, sana hindi na lang natin—"

"I'm fine," nakakunot ang noo nitong putol sa kanya.

Magsasalita pa sana uli si Celine nang lumampas ang paningin niya kay Marc at dumeretso sa kabilang mesa kung saan agad na nag-ugnay ang mga paningin nila ng nag-iisang lalaki na nakaupo roon. When their eyes met, she felt as though everything around her had frozen in a blur of color. There was only her... and him. Nang sa wakas ay magawa niyang putulin ang pag-uugnay ng kanilang mga mata, hindi naman niya naiwasang suriin ang bawat bahagi ng mukha ng lalaki na animo isa itong di-pangkaraniwang specie na noon lamang niya nakita. A kind of specie that was very captivating.

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon