Chapter 6

18K 356 7
                                    


CHAPTER SIX

NANG matapos ang halik, ang makapugtong-hiningang halik, nakaramdam ng kakontentuhan si Celine. Oh, her skin was still tingling with sensation. She felt something she had not felt with her past lovers. Oo, naroon pa rin at lalo pa ngang tumitindi ang seksuwal na atraksiyong nararamdaman niya para kay Daniel. Sparks flew between them. Tila biglang may umawit na mga ibon sa paligid, namumulaklak ang mga bulaklak, at tumugtog ang mga anghel ng kanilang mga trumpeta. Mayroon uling fireworks. Oo, may ganoong epekto talaga ang halik ni Daniel. It was... magical. At hindi na siya makapaghintay na mangyari ang susunod na halik.

Alam niya na ganoon din ang nararamdaman ni Daniel sa kanya. Nakakaramdam sila ng atraksiyon sa isa't isa. And she was old enough to acknowledge that strong feeling and act on it. Basta walang komplikasyon ay handa siyang laruin ang larong iyon. God, sino ba ang makasisisi sa kanya? Ang lalaking ito ay animo regalo ng Diyos sa kababaihan. Kailan nga ba siya huling nakaramdam ng pisikal na atraksiyon para sa isang lalaki? Halos walong taon na ang nakararaan, nasa Amerika pa siya noon. Oh, she was not promiscuous. Nagkataon lamang na alam niya kung ano ang kanyang gusto. At si Daniel... gusto niya ang lalaking ito.

"Wow," usal ni Daniel. Ikinasiya niya ang pagniningning ng mga mata ng lalaki. "That was great."

"Halos hindi kita kilala, Daniel..." sabi ni Celine bilang pag-amin sa malakas na epekto nito sa kanya. Nagwawala ang hormones niya kapag tinititigan siya ng binata. Bakit hindi? Daniel was gorgeous and his sex appeal radiated all over him. Taglay nito ang makapangyarihang mga mata at sensuwal na mga labi. In fact, she would not raise an eyebrow if she discovered that Daniel's middle name was God's-gift-to-women.

"Pero...? Hindi natin kailangang kilalanin muna ang isang tao bago tayo mahumaling sa kanya, Celine. And I am speaking at least for myself. When I first saw you, pakiramdam ko ay hinihigop mo na ako. Wala na akong ibang makita at maisip kundi ikaw. Ang atraksiyon ay dumarating nang walang babala, Celine."

At umaalis nang walang babala? gusto sana niyang itanong. Dahil iyon ang naranasan niya sa mga naging atraksiyon niya sa mga lalaki. Dumarating at nawawala. "Alam ko."

"And now what, Celine? Handa ka bang tanggapin ang atraksiyong iyon? Kaya mo bang kilalanin iyon at umakto ayon dito? Handa ka ba sa lahat ng mangyayari? Because we're too hot for each other, Celine. Para tayong sasabog kapag nagdidikit tayo. And yet, pareho nating alam na tayo lamang dalawa ang makapapawi sa nararamdaman natin. Sarili lamang natin ang lolokohin natin kapag hindi natin iyon pinansin o binale-wala. This thing won't go away until we face it and act on it. Pareho tayong single, Celine. Walang komplikasyon sa buhay," he said, matter-of-factly.

"Wala ako rito kung hindi ko kinikilala iyon—ang atraksiyon. Ang malakas na atraksiyon. At oo, handa ako sa lahat ng puwedeng mangyari," pakli niya. Ano pa ba ang silbi kung ipagkakaila niya ang nararamdaman? Hypocrisy was not her cup of tea. Alam niyang tama ang lahat ng sinabi ni Daniel.

"Good. Nasisiyahan akong malaman na nagkakaintindihan tayo, Celine. Wala nang mas sasaya pa kapag nagkakaintindihan ang dalawang tao sa kanilang nararamdaman, hindi ba?" nasisiyahang wika nito. "So, tara na? May alam akong magandang lugar na magandang takbuhan."

Matipid siyang ngumiti. "Okay."

ON THE way, Celine and Daniel shared smiles and glances. Ilang minuto lang at nasa isang parke na sila. Nag-warm up muna sila bago nagsimulang tumakbo. Mayroon na ring mangilan-ngilang jogger kahit napakaaga pa. Si Daniel ay agad umalalay sa pagtakbo niya.

Dapat ay nagko-concentrate si Celine sa pagtakbo subalit hindi niya magawa. Naaagaw ang atensiyon niya ni Daniel na hindi niya maiwasan na palihim na sulyapan. Isinuot nito sa ulo ang hood ng sweater as if he was in his own world, too. Overall, Daniel looked athletic. The man was oozing with sex appeal.

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon