Chapter 12

14.6K 320 7
                                    


CHAPTER TWELVE

TULAD kahapon, nakailang ring na naman ang telepono ni Daniel bago iyon sinagot ng binata. Celine tried to blink her tears away.

"Ang atraksiyon ay dumarating nang walang babala." Iyon ang sabi sa kanya ni Daniel. Marahil ay nawala na iyon, nawala na ang atraksiyon sa kanya ng binata kaya umiiwas na sa kanya. She knew how that thing worked. Alam niyang tapos na ang binata sa kanya. Hindi ito nagpaparamdam. Hindi nagte-text o tumatawag. Siya ay naghihintay sa wala. Kung hindi pa siya magkusang tumawag ay mukhang mapuputol na talaga ang komunikasyon nila.

"Yes?"

Tuluyang naglandas ang mga luha ni Celine sa malamig na tinig ni Daniel. Marahil ay sadyang tapos na ang maiinit na sandali sa pagitan nila. Pero paano siya? Pakiramdam niya ay biglang nabitin ang buhay niya. Bakit hindi? Mahal niya si Daniel. Kinalma niya ang sarili. "H-hindi ako sumama kina Luka."

Hindi sumagot ang binata.

Daniel...

"May sasabihin ka pa ba? May kailangan akong gawi—"

"Puwede ba kitang makita, Daniel?" putol niya. "Pupunta ako diyan." Please...

"Out of town ako," maikli nitong sagot, halatang gusto na siyang i-dismiss.

Nakadama siya ng panlulumo. "Kailan ka babalik?"

"Celine, do I have to spell it out to you?" tila nabubugnot nitong sabi. "Matalino ka, dapat ay alam mo kung ano na ang nangyayari sa pagitan nating dalawa."

Mariin siyang napapikit. Kung ganoon ay tama ang hinala niya. Parang biglang naging bukal ng luha ang mga mata niya. Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha. Pinigilan niyang humagulhol. Pinigilan niyang magkatunog ang iyak kahit nananakit na ang kanyang lalamunan. Nagsisikip ang dibdib niya at parang may mga aspili na tumutusok sa kanyang puso.

"At least don't be a coward, Daniel! Bakit hindi mo sabihin sa akin na tapos na tayo. Mali, bakit hindi mo sabihin sa akin na tapos ka na sa akin? Bakit kailangan mo akong pagmukhaing tanga, ang paasahin? Don't you have any balls?" galit niyang sabi.

"Celine, I—"

"Tapos na tayo, Daniel," salo niya bago pa man manggaling sa bibig nito ang masasakit na salitang iyon. Pride—iyon na lang ang maisasalba niya dahil ang puso niya ay lugmok na kay Daniel. "Thank you. I had a great time." Pinutol na niya ang tawag.

Uminom nang uminom si Celine hangga't hindi bumibigay ang katawan niya. The sad thing about pain was that it demanded to be felt. Hindi iyon titigil hangga't hindi ka umaaray, hangga't hindi mo sinusukuan. And worse, kahit puso mo lang ang nasasaktan, dinadamdam iyon ng buong pagkatao.

Tama na muna ang sakit na naramdaman niya ngayon. Tama na muna ang pag-iyak. Pagod na siya pero hindi nauubos ang luha. Bukas naman... bukas naman niya haharapin ang sakit na parang pumipilas sa pagkatao niya. Ganoon pala kapag ang puso ang nasasaktan, ganoon pala ang nabibigo. The pain was so blinding she couldn't describe how painful it really was.

"HUWAG! Pakiusap, huwag, huwag..."

Dinig na dinig ni Celine ang pagmamakaawa ni Riza sa taong iyon na nais itong gawan ng masama. No, hindi lamang niya basta naririnig ang babae, nakikita pa mismo ng mga mata niya ang nangyayari. Ang taong iyon ay ginagawan ng masama si Riza. Lalapastanganin ang walang kalaban-laban na si Riza!

Kitang-kita ni Celine kung paano puwersahin at saktan ng taong iyon si Riza. Kitang-kita niya ang bangungot na nakarehistro sa luhaang mukha ng babae. She saw how Riza trembled in horror. Pilit itong nanlalaban subalit walang magawa sa lakas ng taong iyon. Tao? No, hindi ito tao kundi isang halimaw. Isang hayop na hayok sa laman. At ang kaawa-awang si Riza ang minalas na naging biktima.

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon