Chapter 9

16.5K 294 0
                                    


CHAPTER NINE

PIGIL ang emosyon ni Celine habang bumabalik sa silid ni Daniel. Tahimik na ipininid niya ang pinto at parang naglalakad sa ulap na lumapit siya sa kama. Tulog pa rin ang binata. Patagilid ang pagkakahiga at nakabaluktot. Naupo siya sa gilid ng kama. Her hand did not know whether to caress his face, touch his hair, or not touch him at all. Baka magising pa kapag ginawa niya.

Subalit nagmulat ng mga mata si Daniel. Ang blangkong mga mata nito ay natuon sa kanya. Kapagkuwan ay kinuha nito ang kamay niya at dinala sa pisngi bago muling pumikit.

Daniel! Nag-init ang mga mata niya hanggang sa tuluyang manlabo iyon dala ng mga luhang naipon. Kahit ano ang gawin niyang pagpipigil ay tuloy-tuloy na umagos ang luha sa magkabila niyang pisngi. Tahimik siyang umiyak.

Si Daniel, mahal niya ang lalaki. She loved this helpless man who held her hand as if he was clinging for his life. She loved him. Iyon ang napagtanto niya habang kausap si Lino. Hindi lamang lust o pisikal na atraksiyon ang nararamdaman niya para kay Daniel, malalim iyon, nagmumula sa kaibuturan ng kanyang puso.

Tahimik na humiga si Celine sa tabi ng binata. Tinanggap siya ni Daniel, ipinaloob sa mga bisig nito, at niyakap nang mahigpit. Kapagkuwan ay nagmulat ng mga mata ang binata. Nang makita ni Daniel ang luhaan niyang mukha ay nagkaroon ng emosyon ang blangko nitong mga mata. Biglang tumalim ang tingin nito na para bang handa itong pumatay nang mga sandaling iyon.

"Bakit ka umiiyak?" malamig at mapanganib nitong tanong. Bumangon ang binata. Anger was reverberating throughout his body. "Si Lino, ano ang sinabi niya sa 'yo?" Tinungo nito ang pintuan.

Mabilis siyang sumunod. Mula sa likuran ay niyakap niya ang lalaki at pinigilan sa takdang paglabas. "Daniel!" Ibinaon niya ang luhaang mukha sa likod nito. "W-walang sinasabi si Lino sa akin. Bakit, ano ba ang dapat niyang sabihin sa akin? O may dapat ba siyang sabihin sa akin na hindi ko dapat malaman?"

Hinarap siya ni Daniel. "Kung ganoon, bakit ka umiiyak? Kinakaawaan mo ba ak—"

Inilapat ni Celine ang isang daliri sa mga labi ng lalaki, kapagkuwan ay tinitigan niya. "Masaya lang ako, Daniel. Masaya lang ako na pinapayagan mo akong manatili sa tabi mo. That's all," aniya bago yumakap dito. Oh, Daniel, mahal kita. I just realized that I love you...

"May masaya bang umiiyak?" hindi kumbinsido nitong tanong, bagaman hindi na tensiyonado ang kalamnan. "Ang luha ay tumutulo dahil sa sakit, sa pait, sa pagdurusa."

"Hindi, Daniel. Hindi lamang sakit at pagdurusa ang dahilan ng pagluha. Hindi mo pa ba narinig ang mga salitang tears of joy? Hindi mo pa ba iyon nararanasan? Minsan umiiyak ka dahil masyado kang masaya."

"T-talaga? Posible nga ba ang bagay na iyon? H-hindi ko pa iyon nararanasan," anito. Literal na hinagkan nito ang mga luha niya para mapalis. "H-hindi pa ako nakaramdam ng sobrang kasiyahan. Ang alam ko lang ay masaya ako kapag... kapag kasama kita, Celine."

Nakarinig sila ng katok sa pinto, kasabay ng tinig ni Lino. "Daniel...? Celine, gising ba si Daniel?"

Binuksan ni Daniel ang pinto.

"Umuulan," agad na sabi ni Lino.

Hindi nakaligtas kay Celine ang muling pagbabago ng emosyon ng mga mata ni Daniel. Kumislap iyon sa excitement. Hinawakan siya ng lalaki sa kamay at bago pa niya maunawaan ang gagawin nito, hila-hila na siya ni Daniel palabas ng silid. At palabas ng condo unit.

"Daniel, ano'ng..." naguguluhang usal ni Celine nang nasa elevator na sila. Pinindot nito ang button na patungo sa rooftop.

Ni walang sapin sa paa si Daniel. Naka-pajama bottoms pa rin at sando. His hair was like a bird's nest. Ganoon pa man, hindi matatawaran ang sayang nasa mukha ni Daniel. Para itong bata na excited sa kung anong bagay. "Umuulan, Celine. Umuulan," anito.

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon