Chapter 13

13.8K 290 15
                                    



CHAPTER THIRTEEN

PALAKAD-LAKAD si Daniel sa hallway ng ospital at hindi mapalagay. Para siyang pusang hindi mapaanak sa kakaparoo't parito. Celine talked as if those were her last words. Nakakadama siya ng frustration dahil hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa loob ng ICU. Celine wanted to talk to Marc at ngayon ay ang babaeng kasama naman ni Marc ang kinakausap. Ang dalawa kaya ang dahilan ng malabong ulap na tumatabing sa mga mata ni Celine? Ang dalawa kaya ang tinutukoy ni Celine na nagkaroon ito ng pagkakasala? Probably, yes. God! She's in critical condition. Please save her... paulit-ulit niyang pagsamo.

Hanggang sa magkagulo ang mga doktor at dali-daling pumasok sa ICU. Si Riza na luhaan at kalalabas lamang ng ICU ay agad na sinalubong ni Marc.

Parang niyakap ng malamig na hangin si Daniel. Tumindig ang balahibo niya, kasabay ng tila pagka-drain ng lahat ng dugo sa kanyang katawan. He was shocked for a moment. Nang makabawi ay agad niyang tinungo ang ICU subalit naka-lock na iyon. Subalit sa pamamagitan ng salaming bintana ay nakikita niya kung ano ang nangyayari sa loob ng silid. Napasinghap siya, tila nanlaki ang ulo. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang ulo kaya sinabunutan niya ang sarili. Inire-revive si Celine. The doctors were pumping her chest with their hands. Marahil ay hindi iyon umeepekto kaya naghanda naman ang mga ito ng electric shock.

Pakiramdam ni Daniel ay biglang nabitin ang buhay niya. Hindi nag-iisip na malakas na kinakalampag na niya ang pinto ng ICU. Gusto niyang puntahan si Celine at samahan sa sandaling iyon. Marahil ay napansin siya ng nurse, isinara nito ang kurtina sa loob, blocking his view of what was happening inside. Nasuntok niya ang pinto, kapagkuwan ay tila nauupos na kandila na dahan-dahan siyang napaupo sa semento. Isinubsob niya ang mukha sa kanyang mga palad habang nakapatong ang mga siko sa kanyang mga tuhod. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Napapapiksi pa siya kapag nauulinigan niya ang salitang "clear," ganoon din ang utos ng doktor para sa karagdagang boltahe ng kuryente na ia-apply sa electric shock. Sinusubukan pa rin ng mga ito ang lahat para mailigtas si Celine.

God, oh, God, please save Celine. Huwag N'yo po munang kunin si Celine. Buhayin N'yo siya, please! Buhayin N'yo siya and I promise, I promise, I'll look after her. Ako na ang mag-aalaga sa kanya. Pasasayahin ko siya, pangingitiin ko siya... Mamahalin ko siya...

Naramdaman ni Daniel ang pag-agos ng mainit na likido mula sa kanyang mga mata, naglandas sa mga pisngi. Please, please, please! Isa pang pagkakataon para kay Celine. Give her a second chance. She deserves it! Hindi na ako hihiling na sana ay maging normal ako. Hindi ko na nanaisin na makapaglakad sa ilalim ng sikat ng araw basta, basta buhayin N'yo siya. Buhayin N'yo siya, parang awa N'yo na. Iyon ang unang pagkakataon na nagdasal siya nang ganoon katindi. Para bang nang oras na iyon ay kaya niyang ipagpalit lahat mabuhay lang si Celine. He would trade anything for her life, anything because he loved her.


Clear?

Clear.

Napaigtad si Daniel. Celine, Celine please lumaban ka. Please—natigilan siya. Nararamdaman niya ang pagbabago ng timpla ng mood niya. Aatakihin siya ng depresyon. "Oh, n-no...Not now, not now..." Ngunit alam niyang hindi niya iyon mapipigilan. Ang kritikal na kondisyon ni Celine ang nag-trigger niyon. Tumayo siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung saan siya papaling. Calm down, calm down, Daniel...pilit niyang kinakalma ang sarili.

"Daniel!" anang humahangos na si Lino. Tumayo si Daniel. Ang nanginginig na mga kamay niya ay mahigpit na humawak sa damit ni Lino. "Inaateke ka," agad na sabi ni Lino. "Iuuwi na kita."

Umiling si Daniel. Tiim ang mga bagang. "S-stay here. S-stay with Celine. Please. Hu—huwag mo siyang iiwan." Iyon lang at iniwan na niya ang kaibigan. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng hospital, sumakay ng kotse niya at pinaharurot iyon. Ang mga mata niya ay nanlalabo pa rin sa luha habang ang mga palad niya ay mahigpit na nakahawak sa manibela. His speed was beyond limit ngunit hindi niya iyon napapansin. Hindi mawala sa gunita niya ang eksena na pilit isinasalba ang buhay ni Celine. Gusto na ring mamatay ni Daniel. Alam niyang kapag nawala si Celine ay wala na ring halaga pa ang mabuhay. Pumikit siya. Handa na niyang diinan ang gas ng sasakyan, itodo ang bilis niyon bago isalpok ang sasakyan sa kung saan ang sasakyan niya nang tumunog ang telepono niya.

Daniel...tila dinala ng hangin ang tinig Celine at ibinulong ang pagtawag na iyon sa kanya. Daniel sobbed. Nagmenor siya at kinuha ang patuloy na tumutunog na telepono. Si Lino ang tumatawag. Daniel accepted the call and put it in loudspeaker. "Daniel, calm down, okay? Calm down," agad na sabi ng nag-aalalang tinig ni Lino. "Na-revive si Celine. Narinig mo ba ako? Na-revive si Celine."

Mabilis na itinabi ni Daniel ang sasakyan at inihinto iyon. Sumubsob siya sa manebela. Thank God, Thank God!


Autor's note: Nakapost po ang complete story since 2018. Pero dahil nakakontrata na po ito sa Dreame ay kailangan ko nang burahin ang ibang parts. Sa Dreame na po ninyo mababasa ito mababasa nang buo. Salamat. :)

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon