Chapter 8

16.2K 326 7
                                    


CHAPTER EIGHT

"DON'T worry too much. Okay lang ako," sabi ni Daniel kay Celine. Nasa condo unit na sila. Nakahiga na siya sa kama. And his abdominal pain was killing him. Isa iyon sa mga dulot ng pagkakaroon ng Porphyria—severe abdominal pain. Tuwing umaatake ang pananakit ng tiyan niya, halos nauubos ang lahat ng lakas niya. "K-kumalma ka, Celine."

"Kumalma? Paano ako kakalma gayong nakikita kong naghihirap ka?" singhal ng dalaga. Gumitaw na naman ang mga luha sa mga mata. Napaungol siya dahil doon. "Hindi mo sinasabi sa akin kung ano'ng nangyayari sa 'yo. Doktor ako, mataas ang IQ ko, mataas ang karangalan ko nang magtapos ako, pero pakiramdam ko ay napakabobo ko sa mga sandaling ito." Tuluyan nang namaybay ang mga luha ng dalaga. And it felt so weird dahil pakiramdam niya ay nababawasan ang sakit ng tiyan niya. Ang pag-aalala ni Celine ay parang isang mapagpalang kamay na pumapawi sa sakit na nadarama niya. "Doktor ako, Daniel. Trained ako na huwag magpaapekto at umaktong propesyonal kapag nakakakita ako ng mga taong naghihirap at nasasaktan. Pero bakit sa 'yo, bakit nawawala ang lahat ng propesyonalismo ko? Bakit hindi ko maialis sa dibdib ko ang sobrang pag-aalala. And God! I can't believe I'm crying. Tatawagin ko si Lino. Dadalhin kita sa ospital."

Inabot ni Daniel ang dalaga. Gamit ang natitira niyang lakas, hinila niya ito nang sa gayon ay mapahiga sa tabi niya.

"Daniel!" protesta nito.

He wrapped his arms around her. "Hindi ko kailangan ng ospital, Celine. Ikaw ang kailangan ko. Dito ka lang sa tabi ko," aniya bago isiniksik ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat nito. Ngumiwi siya. Mariin niyang kinagat ang kanyang labi para pigilin ang ungol na dulot ng sakit na nararamdaman.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari. Daniel. Huwag mo akong pakapain sa dilim. Nahihirapan akong nakikita kang ganyan," ani Celine, patuloy pa rin sa pag-iyak. Iniyakap nito ang mga braso sa kanya at hinagkan nang paulit-ulit ang kanyang ulo. "Daniel..."

"It's... it's just a normal abdominal pain. Itutulog ko lang ito at paggising ko ay wala na ito," kagat-labi niyang wika. God, this pain was so blinding!

"Bakit sumasakit ang tiyan mo? May dahilan iyan, sigurado ako."

"Ang ingay mo. Natuturete na ang tainga ko sa 'yo. Will you please shut your mouth? G-gusto ko nang matulog, Celine," kunwari ay naiirita niyang kastigo.

"Umiiwas ka, Daniel. Umiiwas ka," sita ni Celine.

He could not help but smile. Kasabay ng ngiting iyon ay ang pag-iinit ng mga mata niya dahil sa naiipong luha. Mariin niyang kinagat ang lower lip para pigilin ang nagbabantang pagpatak ng mga luha. Pakiramdam niya ay ninakaw ng sakit niya ang kanyang buhay. Bata pa lang ay ang mansiyon na sa Isla Cavelli ang naging sanctuary niya. Hindi siya makalabas kapag may araw dahil para siyang sinusunog nang buhay. So he would just sleep during the day. At sa gabi, kung kailan tulog na ang lahat ay saka siya nakakalabas ng mansiyon para maglaro sa garden, para makasakay ng kabayo, para makalangoy sa dagat.

Bata pa lang si Daniel ay alam na niya ang tungkol sa kanyang kondisyon, naipaintindi na iyon sa kanya ng mga magulang. Hanggang sa masanay na rin siya sa kanyang routine. He had his schooling at home. Nang magkolehiyo ay nagtungo siya sa ibang bansa at kumuha ng mga panggabing klase.

Nasubukan na niya halos ang lahat ng uri ng sunscreen lotion pero hindi effective ang mga iyon, sa halip ay mas nakatutulong pa ang mga SPF-rated long-sleeved shirts.

Kahit paano ay mabuti pa rin ang tadhana kay Daniel. Bakit niya nasabi? Dahil sa kabila ng sakit niya ay normal pa rin ang kanyang hitsura. Porphyria could cause physical manifestations which could give the sufferer a frightening appearance. Ayon sa mga pag-aaral, ang ngipin ng taong may Porphyria ay nagkukulay-pula, ganoon din ang mga mata. Those afflicted with the disease may have increased hair growth, and with repeated damage, their skin would tighten and shrink. When this occurs around the mouth, the canine teeth would appear to be more prominent, and thus suggestive of fangs. Ang pisikal na hitsurang iyon at ang takot sa araw ang dahilan kung bakit sinasabi na Vampire's disease ang Porphyria. In some cases, totoo rin daw ang pag-inom ng dugo, bagaman hindi dugo ng tao kundi dugo ng hayop.

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon