Chapter 2

22.6K 332 11
                                    


CHAPTER TWO

SUWABE at tantiyado ang bawat kilos na pumarada ang latest model ng Honda sa parking lot ng The Medical City. Lulan ng kotse si Daniel, na mula sa kinauupuan sa backseat ay sumilip sa bintana. Malamlam pa rin ang sikat ng araw. No, halos makulimlim pa nga ang langit. Good...aniya sa isip.

Nang maayos na makaparada ang sasakyan sa covered parking lot sa gilid ng ospital ay pinatay na ng kanang kamay niyang si Lino ang makina, pagkatapos ay umaktong bababa.

"Hindi na, Lino. Huwag mo na akong samahan. Ako na lang. I'll be quick."

"Sige. Ang cell phone mo, bitbitin mo."

Disgustong umungol si Daniel. "In case na may mangyari sa akin, nasa ospital na ako, okay?" iritado niyang tugon. "I'm sorry," agad din niyang paghingi ng paumanhin sa pabalang niyang pagsagot. Alam naman niya na ang kapakanan lang niya ang iniisip ng lalaki. Si Lino ay hindi lang basta driver at alalay. He was almost a family. Itinalaga na nito ang sarili bilang tagatingin niya. Tunay ang pag-aalala nito sa kanya. Oh, hindi na siya bata. He was thirty-five years old, for Pete's sake. But... he was sick.

Nakakaunawang tumango lang si Lino, alam na dala ng frustration ang mood swings niya.

Hinubad ni Daniel ang suot na sunglasses at inilagay sa upuan. Dinampot niya ang cell phone bago mabilis na umibis ng sasakyan. Kapagkuwan ay malalaki ang hakbang na tinungo niya ang entrada ng ospital. Umakyat siya sa tenth floor kung saan naroon ang opisina ng bago niyang doktor. Paliko na siya sa kanan nang mapansin ang isang babae sa dulo ng hallway na may salamin na dingding. Naka-side view sa kanya ang babae na tila may tinatanaw sa labas ng salamin. But he knew better. Oh, well, hindi niya alam kung bakit, pero kaya niyang sabihin na hindi ito nakatanaw sa labas. Marahil, nasabi niya iyon dahil sa bagsak nitong mga balikat. She was a doctor. Ibinase niya ang opinyon sa suot nitong puting coat, sa stethoscope na nakasabit sa leeg, at sa patient chart na kipkip sa kilikili. Bagaman hindi niya masyadong mabistahan ang hitsura ng babae—tumatama sa salamin ang liwanag ng araw—ay may kung ano rito na kumuha sa kanyang atensiyon.

Christ! Mahinang napaungol si Daniel dahil tila hindi niya magawang maihakbang ang mga paa para umalis. Hindi niya malaman kung bakit tila naa-absorb niya ang lungkot at alalahanin na dinadala ng doktor.

He shook his head as if to wake himself up. Nagawa naman niya. Ipinagpatuloy na niya ang pagpunta sa clinic ng bago niyang doktor.

Ilang sandali lang ang itinagal ni Daniel sa opisina ni Doctor Molino. Dumaan lang talaga siya ng ospital para kumuha ng ilang supply ng gamot niya. Tinungo na niya ang kinaroroonan ng elevator. He pressed the Down button. Habang hinihintay niyang bumukas ang elevator, kinuha niya ang cell phone para tumawag sa isang tauhan. Idinadayal na niya ang numero at dinala sa tainga ang telepono nang bumukas ang elevator. Agad na tumutok ang mga mata niya sa babaeng sakay niyon. And for the life of him, muntik na siyang mapakunot-noo nang makilala ang babae. Then he gasped lightly. Ang suot ng babae na lab coat, jeans, ang pagkaka-ponytail ng buhok, at ang aura... ang mga iyon ang kumuha ng kanyang atensiyon... It's her, the doctor...

"Daniel..." sabi ng tinig na nagmumula sa cell phone.

Desimuladong kinalma niya ang sarili. Humakbang siya papasok sa elevator at tumayo sa isang sulok. "Peter, kumusta ang turnover ng Hidalgo Holdings?" tanong niya sa kausap. Si Peter ay ang kanyang accountant. Mas madalas na ito at ang abogado niyang si Gido ang nagre-represent sa kanya sa mga business deal. Katulad ni Lino ay mapapagkatiwalaan din ang dalawang tauhan. Subok na niya.

Kunwari ay nakatuon ang atensiyon ni Daniel sa kausap sa telepono. Subalit ang totoo ay lihim niyang pinagmamasdan ang babae. Hampton, C. MD, pagbasa niya sa name tag. What a young and oh, so beautiful doctor. Dumako ang kanyang tingin sa palasingsingan nito. And she has no ring on her finger.

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon