Chapter 10

17.1K 291 1
                                    


CHAPTER TEN

"LUKA!" naiinis na bahagyang tinampal ni Celine ang braso ng kaibigan. Titig na titig kasi ito kay Daniel habang ang binata ay nag-excuse para tumungo sa men's room. "Baka naman matunaw na si Daniel niyan," nakasimangot niyang dagdag. Naiinis na talaga siya sa kaibigan dahil hindi nito nilulubayan ng tingin si Daniel.

Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Celine nang maalala ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Daniel... "God! Daniel! Daniel!" nanghihina niyang bulalas nang tuluyang marating ang sukdulan. Sumubsob siya sa dibdib ng binata, naghahabol ng hininga. She rode Daniel wildly! The orgasm was electrifying and weakening, yet the fireworks and the happiness were lingering. Waves after waves of pleasure still surged through her.

"Sinong Daniel?" sabi ng binata. His arms were possessively wrapped around her body. He was still inside her, throbbing and pulsing. Katulad niya ay naghahabol din ito ng hininga.

Nag-angat ng tingin si Celine dito. "Ikaw."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng binata, ang mga mata ay kumikislap. "Ah, Daniel ba ang pangalan ko? Nalimutan ko kung sino ako, eh. Nalimutan ko ang pangalan ko. Is Daniel my name? Tell me."

Malakas ang naging hagikgik niya nang maunawaan ang sinasabi nito. Sinabi nga pala niya kanina na baka malimutan nito ang pangalan sa pagiging in-charge niya."I am that good, huh?"

Sa isang mabilis na kilos ay nagawa ni Daniel na mapailalim siya rito. "You were magnificent. Tama ka, malilimutan ko nga ang pangalan ko." Then he withdrew himself. "Give me a minute, baby," anito habang tinatanggal ang proteksiyong ginamit.

"A minute? Bakit?"

He grinned wickedly. "Akala mo ba ay tapos na tayo?"

Umawang ang mga labi ni Celine sa pagkagulat. Humalakhak si Daniel. There was fire in his eyes, burning and scorching. "I have a healthy appetite, Celine. At kapag gusto ko ang pagkain, paulit-ulit ko iyong tinitikman, kinakain. Hindi ko iyon tinitigilan..." At muli siyang napailalim sa kapangyarihan ng binata. Ganoon kabilis na muling naglagablab ang apoy sa pagitan nila...

Pinigilan ni Celine ang mapahagikgik sa alaalang iyon. Alam na alam ni Daniel kung paano siya pasasayahin. Pagkatapos nilang magniig ay niyaya siya ng binata na manood ng sine. Nagpunta sila ng mall. Napansin niya na marami siyang kiss marks sa leeg kaya nagsuot siya ng scarf para itago ang mga iyon. Ang mga labi niya ay namamaga dahil sa marahas na halik ni Daniel; nag-apply na lang siya ng pulang lipstick bagaman halata pa rin na kumapal ang kanyang mga labi.

Nang makalabas sila ng sinehan ay nakita sila ni Luka. Tinawag siya ng kaibigan. Ipinakilala niya sina Daniel at Luka sa isa't isa. Nang sabihin ni Celine sa binata na best friend niya si Luka ay niyaya ni Daniel ang babae na sumalo sa kanila sa dinner. Siyempre pa ay hindi tumanggi si Luka.

Ngayon, kung maaari lang, yayayain na ni Celine na umuwi si Daniel. Gusto niyang alisin ang binata mula sa paningin ni Luka, mula sa paningin ng mga babaeng hindi maitago ang paghanga rito. For goodness sake, they were ogling at him! Mabuti na lang at mukhang siya lang ang nakikita ni Daniel, nasa kanya lang ang atensiyon. At tulad ng dati, may-pagka-possessive ang paraan ng paghawak nito sa kanya. Para bang ipinababatid sa buong mundo na pag-aari siya.

"Siya ang nakilala mo sa party?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Luka.

"Oo," sagot ni Celine.

"My goodness!" Pumalatak si Luka, kapagkuwan ay kinuha ang baso ng tubig at uminom. "Whoa! Superhot, Celine. Hindi lang guwapo, nakakalunod ang sex appeal, ah!"

POD: Sunshine And You (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon