Lovely's POV
Nakita ko na naman siya. Nakaupo sa ilalim ng puno habang nakapikit.
Lumapit ako sa kanya at tinabihan.
"Hello ^_____^" sabi nung batang Lovely sa kanya habang tinitingnan sya.
"Pupunta na kami tha korea.. dun na ako titira :(" sabi nung batang lalaki.
"H-ha ba-bakit? Iiwan mo na ako?? :'(" sabi nung batang Lovely na maluha-luha na.
"Dun na daw ako mag-aaral thabi ni Mommy :( pero promithe hahanapin kita paglaki ko tapoth papakathal tayo ah?? :')" sabi nung batang lalaki.
"Sige, promise mo yan ah.. papakasal tayo ah :')" sabi nung batang Lovely sa batang lalaki.
"Oo.. promithe :))"
Kriiiing~
Ay! putcha naman oh.. tsk -___-
Ba't hanggang ngayon napapaniginipan ko parin yung batang yun.. alam ko namang di nya na ako mahahanap :(
Ang drama ko tsk -__-
Growl~
tsk gutom na ko.. hindi pala ako kumain kagabi -__-
Ginawa ko na ang aking morning ritual: hilamos, tootbrush, ligo, lagay ng lotion at pabango, bihis.
Pagbaba ko.. andun na silang lahat. Si Lariza kasama sina Alex at Chloe habang nanunuod ng TV. Si Kimberly andun sa kusina kumakain ng napakaraming pancakes. Si Francine nagluluto. Si Jemjay nasa isang couch nakaheadphone at nakapikit. Si Julianne nagdidribble ng bola sa sala. Si Kylie kinakalikot yung cp nya. Si Ariane nanunuod ng Percy Jackson. Si Angelique kumakanta ng we cant stop at Si Hyun-ae nagbabasa ng libro.
Haist .. normal na ito sakin.. palagi nalang ganito ang nakikita ko pagkagising -____-
Pumunta na ako sa kusina para kainin yung tinira nilang pancake sakin.
"Mownnong Lobloey ^_______^" bati ni Kimberly habang puno yung bibig ng pagkain.
"Tsk.. ubusin mo muna yang pagkain sa bibig mo bago ka magsalita.. tsk -___-" sabi ko sa kanya sabay upo.
"So- *lunok* -rry po ^________^V" sabi nya sabay peace sign.
"Tsk" yun nalang ang sinabi ko at nagsimula nang kumain.
Umupo si Fancine sa tabi ko.
"Napaniginipan mo nanaman ba yung childhood sweetheart mo??" tanong nya habang nagkatitig sa mukha ko.
"Yeah" maikling sagot ko tapos pinagpatuloy ko na yung pagkain.
"Eh nakamove-on ka na ba kay---" putol na sabi nya.
"Tapos na ko.. pinapapunta pa pala ako ni Manager Young" pagpuputol ko sa sasabihin nya. Ayoko nang pag-usapan yung letchungas na lalaking yun -____-
Actually, sa sabado pa ako pinapapunta ni Manager Young.. kaya lang wala eh.. kailangan kong umalis muna dito sa bahay.
Naglakad na palabas at sumakay sa kotse tapos pinaharururot ng mabilis yung kotse.
Kimberly's POV
Hello ^______^ ako nga pala si Kimberly Banzuelo, ang pinakamatakaw sa grupo.
Hindi pa pala nagpapakilala si Lovely sa inyo .. tamad talaga nun. Bdw, ako nalang ang magpapakilala sa kanila.
Lovely Kaye Miranda - ang pinakasuplada sa grupo.
Lariza Lynn Martinez - ang pinakamasayahin.
Julianne Andrea Sarmiento - ang pinakaboyish.
Jemjay Bermido - ang pinakatahimik.
Kylie Bantique - ang timer sa grupo.
Alex Illigan - ang make-up freak sa grupo.
Chloe Jae Park - ang pinakamabait.
Francine Meñol - ang pinakamagaling magluto.
Ariane Igup - ang sadista sa grupo.
Angelique Barnido - ang englishera sa grupo.
Hyun-ae Lee - ang pinakamisteryoso.
Oh ayan na.. alam nyo na ang katangian namin. Oo nga pala.. sikat kami dito sa pilipinas bilang MAZE.
Pagkalis ni Lovely.. agad namang lumapit yung iba kay Francine.
"Anong nangyari dun? Bat nagwalk-out?" tanong ni Lariza.
"Tinanong ko lang naman kung nakamove-on na sya.. kaya lang nagwalk-out" sagot ni Fancine sa kanya.
"Tsk.. bat mo kasi tinanong yun??! alam mo namang mahal na mahal nya yung pesteng lalaking yun! kay syempre di pa yun naka move-on" sabi ni Lariza na halatang naaawa kay Lovely.
"Alam nyo guys.. wag na kayong mag away.. walang patutunguhan yan eh. Tsk! -____-" sabat ni Julianne sa usapan.
"Tama si Julianne.. kailangan may gawin tayo para makapag move-on sya agad.. hindi yung magbabangayan lang tayo." pagsang-ayon ni Chloe kay Julianne.
"Yeah youre right.. starting today, we.. the member of MAZE promise to help our Leader Lovely Kaye Miranda to move-on on her first heartbreak by: making her happy, avoid mentioning the name of the heartbreaker and introducing her to the other boys.. Agree???!" mahabang speech ni Angelique.
"Agree!" pagsasang-ayon naming lahat.
Maya-maya lang nagsialisan na yung ibang kagrupo. May kanya kanyang lakad kasi sila. Ang natira lang sa bahay ay Ako, si Lariza, Alex, at Kylie.
"Ang boring dito :3" sabi ni Alex habang nakapout.
"Oo nga.. san ba pwedeng puntahan??" tanong ko sa kanila habang kumakain.
Nag-isip isip muna kami.. baka sakaling may pwede kaming puntahan.
1min.
2mins
3mins.
4min---
"Aha!!" sigaw ni Kylie "Alam ko na kung saan tayo pupunta.......... sa CLUB!" masayang dugtong nya.
"Tsk.. at bakit naman sa Club?? -___^" pagtataas ng kilay ni Lariza.
"Kasi nga diba.. sandun sa promise natin.. kailangan ipakilala si Lovely sa ibang boys para makamove-on ^______^" masayang sagot ni Kylie.
"Oo nga!.. pumayag kana Lariza please~ *u* matagal na kasi akong di nakakapunta dun eh :3" pagpupumilit ni Alex kay Lariza.
"Aish fine! pero hintayin muna natin si Lovely" sabi ni Lariza sa amin.
"Okay~" sagot namin.
Lovely's POV
Pagdating ko sa bahay ni Manager..
"Excuse me.. andito ba si Manager??" tanong ko dun sa guard ni Manager.
"Wala po eh.. may mineet sya ngayon" sagot nung guard.
"Ah sige" sabi ko sabay alis.
Pupunta nalang muna ako sa Bubble Tea Town.. yung fav. kong tambayan.
**
Maganda ba?? hehe.. medyo panget ^_____^
Tnx po sa mga nagbabasa ^^
Vote.. Comment.. Share..
~LovelyPrincess35