Tula101

126 18 1
                                    


Ako'y masaya na ito'y iyong natagpuan,
Ngunit ang puso ko'y nagtatanong, "kailan niya kaya ako matatagpuan?"

Napakaraming Storya,
Nagtatanong sa sarili kong kailan,
Kailan ako matatagpuan?

May pag-asa pa bang mabasa?
Ako kaya, may pag-asa bang ibigin mo na?

Sa dami ng storya iba't-ibang Genre,
May pag-asa bang ako'y piliin pa?

Mangangarap pa ba ako?
O hahayaan nalang ang puso mong bato?
Ngunit sa pagkakataong ito ako'y hayaan mo.

Sa pagkakataong ito nais kong magsaya,
Dahil sa wakas natagpuan mo na.

Natagpuan mo na ang tulang matagal ko ng gawa,
Mga salitang marahil ngayo'y gasgas na,

Pero masaya ako at ito'y iyong binasa.
Salamat kaibigan at maligayang pagbabasa.



Welcome to Tula 101!!!

At Maligayang Pagbati kayo po ay nandito sa Poems 101!!!

Hello, please comments down your thoughts.

Any questions? reactions? Suggestions? violent reactions? Solutions?

Poems O TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon