Marupok

37 1 0
                                    

Tinatamad na akong alamin ang katotohanan,
Mga masakit na karanasan di ko maiwasan.

Ano nga ba ako?
Ano nga ba ako para sayo?

Tangang hanggang stalk nalang sayo?
O kaibigang di totoo?

Piliin mo yung sakto,
Yung puro, yung walang halong pangloloko.

Ayoko, ayokong alamin ang katotohan sa likod nito,
Ayoko, ayoko, nakakatamad ito.

Pakawalan mo na ako.
Wag ka nang manggulo.

Ano bang gustong marinig mo?
Na, "oo na suko na ako?"

O baka naman gusto mo lang akong mainsulto?
O baka naman gusto mo lang masaktan ako?

Anumang katotohanan dito,
Labas na ako.

'Pagkat pagod na ako kakaintindi sayo,
Pagod na ako sa kapritso mo.

Kaya't parang awa mo na,
Pakawalan mo na ako hanggang maaga pa.

Pakawalan mo na ako't wag ng pukawin pa,
Damdaming marupok hayaang matulog na.

Poems O TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon