Ang lungkot sa aking puso ay di ko maipaliwanag,
Saya na dulo't ng edukasyon ay di na maaninag.Nang iyong sabihin na pag akoy di pumasa ako'y iyong ipapalipat.
Sakit na nadama di maipagtagtapat.Nagsumikap akong pumasa,
Para nawa'y mabigyan ng pag-asa.Pero hindi ko maintindihan ang aking naramdaman,
Hindi ko alam kung bakit akoy nasasaktan,Akoy nasasakal, naiinis...
Dahil ako'y nagaaral lamang para pumasa.
Ngunit ang puso koy hindi na masaya.Alam mo kung anong nakakamis?
Yung mga panahong naeenjoy ko ang pag aaral.
Yung panahong marka'y marangal.Yung kahit hindi ako mangopya ok lang.
Yung walang pressure.
Yung gintong aral ay totoong tine-treasure.Napapatanong nalang ako,
"Pagaaral ba ito?"
Pero bakit dapat perpekto?
Bakit puro nalang grado?Bakit parang bawal magkamali?
Ang pananaw ko ba sa edukasyon at pagaaral ay mali?Hindi ko na maintindihan,
Kailan pa kaya maiintindihan?
Kapag ako ba'y tuluyan ng pinanghinaan?
O pag ako bay nabaliw nat patapon na ng tuluyan?Alam mo yung masakit?
Yung kumakapit ka sa patalim.
Niloloko ang sarili na ito'y maaatim.Naiinis ako sa aking sarili bakit,
Bakit kailangan ko pang magkunwari,
Pwede bang piliin ko naman ang aking sarili?