Crushmate

20 1 0
                                    

Ito na naman ako,
Nakatanaw sa iyo sa malayo.
Sino nga ba naman ako?
Isang hamak na kaschoolmate mo.

Iwan ko ba't nagkagusto ako sayo,
Alam ko namang malayung-malayo tayo.
Alam kong sa bandang huli ako parin ang masasaktan,
Ako pa rin ang maiiwang luhaan.

Pero heto parin ako sige lang ng sige,
Para saan nga ba ang pagpupursige?
Para magdusa,
O para makawala na?

Oo na, mahal nga kita,
Kaya ngayon ito ako nagdurusa.
Dahil alam kong aalis kana,
Paalam, paalam na.

Hangad ko'y ikaw ay lumigaya,
Sana sa lugar na pupuntahan mo.
Makapiling mo na,
Ang babaeng tunay na iibigin mo.

At wag kang magalala,
Magiging okay rin ako.
Makakalimot rin ako,
Sa sakit na nararamdaman ko.

Halu guys!☺😁 dedicated po ito sa mga sawi at may crush sa schoolmates nila, at dumating ang araw na lilipat na yung taong yun at magaaral sa ibang school. Char!

Poems O TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon