Kaibiganzone

33 5 0
                                    

Dedicated po ito sa lahat ng taong umaasa na mahalin nang kanilang best friend, o kaibigan nila na sawi. At sa lahat ng  nagmahal ng taong may ibang mahal.

Mahal kita alam mo ba?
At masakit na makitang may kasama kang iba.

Minahal kita ng buong puso,
Ngunit bakit paulit-ulit mo akong pinalalayo?

May nagawa ba akong mali?
May pangako ba akong nabali?

Masakit isipin na may nagbago,
At kahit anong gawin ko hindi na mababago.

'Di na Ako yung unang pupuntahan mo,
Yung unang iniisip mo,

Yung unang tinitext at tinatawagan mo,
Sa bawat umagang paggising mo.

Ang sakit lang isipin,
Masakit sa puso't damdamin.

Na sa isang iglap nabura ang ating samahan,
At ako'y tuluyan ng kinalimutan.

Sabihin mo nga, may nagawa ba akong mali?
Makikita ko parin ba saya sa 'yong ngiti?

Akala ko sabi nila ang puso di nakakalimot,
Ngunit bakit ako'y iyong nalimot?

Siguro nga, umaasa lang ako,
Umaasang mamahalin mo rin ako.

Oo na, bobo na ako,
Sorry ha? Tanga kaibigan mo.

Pero okay na 'rin ng maliwanagan,
At mapatunayang kahit kailan,

Wala akong puwang sa puso mo,
At wala akong halaga sayo.

Kaya pala hindi mo Ako mahawakan,
Ni wala kang pake kung maiwan man ako't masaktan.

Akala ko solid tayo?
Pero 'bat nagkaganito?

Akala lang pala,
Akala KO lang pala.

Pagkat mas naniwala ka sakanya,
Pinagmukha mo pa akong tanga.

Dahil iniwan mo Ako
At pinagmukha pang manloloko.

Hanep no?
Ba't ba kasi ang bobo ko?

Nahulog sa'yo ng hindi ko namamalayan,
Tuloy ang puso ko nasa bingit ng kamatayan.

'Pagkat hindi mo Ako na salo,
Dahil may iba kang sinalo.


Poems O TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon