Teachers Day

584 6 0
                                    

Kayo ang aming pangalawang magulang
laging nariyan at kami'y tinuturuan,
Ginagabayan kami sa aming patutunguhan.


Sa araw araw na samahan,
Hindi maiiwasan na may mabuong asaran.


Hindi lang sa kaklase, na turi ay kapatiran,
Pati na rin sa aming guro na itinuri kaming kaibigan.


At syang laging maaasahan,
Napapagalitan man minsan.


Dahil sa kakulitan,
Pero kung babalikan ang taon at memoryang ating pinagsamahan.


Kulang lang salitang "papahalagahan"
Dahil ang panahong yaon,
Ay nagturo sa amin ng magagandang kaalaman.


Sa araw na ito,
Sa espesyal na araw na ito.


Sa lahat ng mga guro sa mundo,
Nais naming magpasalamat sa inyo.


Dahil sa kadakilaan niyo,
Nabuo ang aming pagkatao.


Sa emotional, social, intellectual at lahat ng aspekto,
Pagyayamanin namin ang lahat ng itinuro niyo.


'Pagkat alam namin na importante rin ito sainyo,
Salamat sa lahat ng mga guro, at happy world teachers day po!☺

I made this poem when I was High School. Dedicated to my teachers who help us and mold us to what we are now.

Poems O TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon