Kaibigan

45 4 0
                                    

Naaalala mo pa ba?
Una nating pagkikita...

Ang liit mo pa,
'Sing liit kita.

Kinder pa tayo,
Nung una kang nanggulo.

Nakaupo at nagpapakabait ako,
Samantalang daldal ka ng daldal sa tabi ko.

Naaalala mo pa ba?
Na-scotchtapean ating bibig at paa?

Ang daldal mo kasi,
Lakad rin ng lakad kahit may klasi.

Ayon tuloy, nahawa sa'yo 'mars,
Nascotchtapan rin tuloy bibig ko partz.

Buti nalang mahal tayo ni teacher,
Dinisiplina tayo't naging better.

Alaala noo'y di mabura,
Wala nakong masasabi pa.

Dahil sa tuwing naalala kita,
Ngiti ko'y masayang - masaya.

Ikaw pala ang una kung naging kaibigan,
Kaibigan, na kailan may hindi ako iniwan.


Awwwiiieh dedicated to my childhood friend. Hi, Partz! Thankyouu for the frennyship 😘

Poems O TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon