Panginoon ko, alam kong ako'y makasalanan,
Sa dumi ng aking kaluluwa naway ako'y Iyong punasan.Panginoon, pano nga ba?
Paano nga ba maging mabuti?Panginoon bakit napakahirap?
Bakit ang kabutiha'y matagal mahanap?Panginoon naiinis ako sa aking sarili,
Pagkat ako'y isang makasarili.Ang dami ko ng mga pangakong nabali,
Ang dami ko ng mga nagawang mali.Panginoon may pag-asa pa ba ako?
Matatanggap mo pa ba ako?Kahit makasalanan ako?
Sana po ako'y mapatawad Mo.Bago paman ako namulat,
Ang aking kwento ay iyo ng naisulat.Mahal na Panginoon, naway ako'y iyong gabayan.
Sa araw-araw na hamon ako naway iyong basbasan.Hindi ko alam ko hanggang saan ko pa kaya,
Baka bukas umaga ako'y wala na.Pero ako'y laging mananampalataya,
'Pagkat ikaw ang Diyos ng pagmamahal at pag-asa.Walang anumang bagyo ang hindi Mo kayang patigilin,
Ang aking hiling lang sana'y naway kami Iyong mahalin at patawarin.
