Dedicated to puccalovesgaru. Kasundo ko yan eh, basta si Koike Teppei ang topic. Haha. HIndi ko pa sya nakikita eh, hindi ko din alam ang age at kung san sya nakita at nangaaral. Ang alam ko lang sa kanya, pareho kaming addict kay Teppei! Haha. <3
ASHLEY ANDREA'S POV
3 months na din ang nakalipas simula nung nagbreak kami ni Christian. Sabi nga nila. "Ayun oh! Pwede na. Haha." Natawa naman ako sa kanila. Pero parang ayaw ko na munang magkalove life, hindi pa ako ready eh. Sianga pala nung minsan pinakilala sakin ni Christian yung fiancee nya. Halatang masaya silang dalawa eh, ako? Ayun sinabunutan yung girl! Sabay sabing "Walang hiya ka! Inagaw mo sakin si Christian. Flirt! Mang-aagaw. !@#$%^"Hahaha. Syempre joke lang yun noh. Iba nga yung feeling ko nung pinakilala ni Christian sakin yung fiancee nya eh, hindi ako nasaktan, hindi din naman kumirot yung dibdib ko, natuwa pa nga ako sa kanila eh. Ibig sabihin nun naka-move on na ako sa kanya. Horray! \(*O*)/
Sobrang nagpapasalamat ako sa bestfriend ko na si Ainsley Morales, kung hindi dahil sa kanya, hindi siguro ako makakapag-move on sa lalong madaling panahon. ^_^
"Ang boring naman." sabi ko. Wala kasing magawa dito sa boarding house. So lumabas ako at naglakad-lakad kahit saan. Nang biglang may nakabangga sakin.
"Aray!" lakas nang pagkakabangga sakin ah. Napaupo tuloy ako. Sino ba kasi itong lalaking ito! Asar!
"Sorry miss." sabi nya sa akin tapos inalalay niya ako para makatayo. Tumingin ako sa nakabangga sakin. Lalaki sya, pogi mukhang mabait.
Dugdug. Dugdug.
W-wait! Bakit ganito itong puso ko? Tapos I can feel the butterfies in my tummy. Bakit ako kinikilig?! O baka naman ito na talaga yung prince charming ko?
"Ah miss. Sorry ulit." kakahiya tinititigan ko kasi sya.
"Ah hehe. Ok lang ako."
"Tara muna dun sa bench, ok lang?"
"Ah, oo."
"Ahmm. Pwede maitanong kung anong name mo?" sabi nya sakin pagka-upo namin.
"Ashley Andrea Smith. Ashley for short ikaw?"
"Lucas Gabriel Cruz, Lucas for short. San ka pala nag aaral?"
"Dyan lang sa Epic Fail University, ikaw?"
"Wow! Dun din ako eh. Anong course mo?"
"HRM."
"Di nga? Yun din course ko eh. Haha."
"Ih! Haha."
"Haha. So Rhea pwede bang maging friend kita?"
"Rhea?"
"Ahmm. Pwede yun na lang tawag ko sayo? Hehe. Para kakaiba. ^__^"
"Oh sure Luke! You can be my friend too. ^__^"
"Luke?"
"Yepz! 'Coz you will call me Rhea, so I will call you Luke, ok? Haha."
"Sure, why not!"
Lumipas ang ilang buwan, nainlove ako sakanya hindi naman yun maiiwasan eh kasi lagi kaming magkasama. Tapos niligawan ako! Aba naman! Haha. Di ko kasi akalain na ganun din pala ang feelings nya sakin. Ako? Eto pakipot muna. Haha. Tapos mga 1 year lang naman. Haha. Sinagot ko na sya. Pinakilala ko na din sya sa family ko eh, ganun din naman si Luke, pinakilala nya ako sa family nya. Bet nga nila ako eh. ^____^
This is it! This ir really it!! After 6 years na pagiging magshuta namin. Shuta talaga? Haha. Ayun kasalan na!! Kinakabahan ako. Tapos si mommy at daddy naiiyak na eh, hindi pa nga ako naglalakad sa altar eh. Haha.
"I pronounce you husband and wife." at last! Kasal na kami. ^__^ "You may now kiss the bride." eto na si Luke hinawakan na yung laylayan ng belo tapos nilagay sa likod ko. Palapit na palapit na yung mukha nya sa mukha ko... 123.. BOOM! He kissed me in the altar and in front of my family, his family and guest. IM NOW MRS. ASHLEY ANDREA SMITH-CRUZ.
[Reception Hall]
"Congrats bes. Congrats Lucas. ^__^" si Ainsley.
"Thanks." sabay naming sinabi ni Luke.
"Oy Lucas! Ingatan mo itong bestfriend ko ha! Yari ka sakin pagpinaiyak mo ito."
"Hinding hindi ko sya papaiyakin Ainsley." uyy! Kinilig ang lola nyo! Haha.
"Siguraduhin mo lang yan." nagnod lang si Lucas. "Osige sun muna ako." tapos umalis na sya.
"Lucas, pare! Dito ka muna." tumingin sya sakin tumango lang ako tapos pumunta sya dun sa mga kaibigan nya.
"Huy Ashley. Congrats."
"Ikaw pala Christian. Salamat." si Christian kasama nya yung wife nya.
"Tsk! Dapat ako yun eh hindi si Lucas!" tapos naging malungkot sya. Haha.
"Hmp! Ikaw talaga! Tampo na ako sayo hun!" sabi ni Andy, yung asawa nya.
"Joke lang naman yun hun eh." sabi ni Christian.
"Ehem, nandito pa po ako. Haha. Oo nga Andy nagbibiro lang yan sayo. Alam mo namang mahal na mahal ka ni Christian. ^_^" sabi ko sa kanila.
"Hehe. Sige dun na lang ulit kami sa table baka mawalan ng upuan. Naku! Mahirap na haha." sabi ni Andy.
"Sige."
Nung matapos na yung kasalan namin ni Luke. Dito kami dumeretso sa condo nya, oo may condo sya. Kinakabahan ako. Hehe. Siguro dahil sa first time ko syang makakatabi matulog? Ewan. Haha.
"Beb, Im ready."
"Anong ready?"
"Ready to make baby!"
"L-luke naman eh!"
"Hahahaha. Ang cute mong asarin. Pero di ba mag-asawa na tayo. Pwede na yun." pagkasabi nya nun hinalikan nya ako then BOOM!
After 9 months, nailuwal ko na din ang baby namin ngayon. Baby girl sya. Name nya? Gabriella Andrea Smith Cruz. And were happy to have a new angel.
END.
BINABASA MO ANG
Broken Hearted Girl (Short Story)
Kısa HikayeIm Ashley Andrea Smith, the broken hearted girl.