CHAPTER TWO

13.1K 292 0
                                    

AGAD NA napatingin sa baba si Devlin nang maramdaman niya na may humawak sa braso niya.  And what he saw immediately took his breath away.  Isang napakagandang babae ang nakatayo sa tabihan niya.  She has long strawberry blond hair and warm hazel brown eyes.  The bridge of her nose was speckled with a little bit of freckles, pero hindi naman 'yon nakabawas sa taglay nitong ganda, in fact it only made her more adorable.  And when she smiled at him at lumabas ang magkabilang biloy sa pisngi nito, he felt like his heart just melted.

"Hi.  Sorry if I need to interrupt your talk with my Lolo, may kailangan kasi akong sabihin sa kanya eh.  I'm Sunflower De Alva by the way, you can call me Sunny for short," buong tamis na wika nito sa kanya.

Muntikan na siyang mapamura nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito.  Narinig kaya nito ang sinabi niya patungkol dito?  Napailing siya, eh ano naman kung narinig nito ang sinabi niya?  Nagsasabi lang naman siya ng totoo.  Binitiwan na nito ang pagkakahawak sa braso niya at naglakad palapit sa Lolo nito.  Now he was able to see her fully. 

Hapit na hapit dito ang suot nitong damit, kitang-kita tuloy ang magandang hubog ng katawan nito.  Agad siyang napasimangot.  He never really liked women who wore provocative clothes.  It's like they were begging to be violated.  Para kasi sa kanya, hindi naman kailangan ng mga babae na magsuot ng mga damit na parang nagkulang sa tela para lang mapansin.  Pero sa kabila ng paniniwalang 'yon, hindi pa rin niya magawang alisin ang pagkakatitig sa magandang katawan ng dalaga.

Lihim na lang niyang pinagalitan ang sarili.  He was acting like a pervert, for Pete's sake!

Niyapos ni Sunny ang lolo nito at malambing na nagwika, "I missed you, Lolo."

"Then you should've come home sooner than this.  Hindi ka dapat nagtagal ng gano'n katagal sa Paris," wika naman ng matanda.

"'Wag ka nang magtampo, Lolo.  Nakakahiya naman sa bisita niyo.  Speaking of which," tumingin ito sa kanya, "why don't you introduce me to your handsome guest?"

Isang buntung-hininga muna ang pinakawalan ng matanda bago nagwika, "Sunny, this is Devlin Mendoza.  Siya yung coach nung football team na sinasabi ko sa 'yo.  And Devlin, as you may have already know, this is my grandaughter, Sunny."

"Oh, so you're the coach.  Mabuti naman at nagkakilala na tayo dito, now I can personally asked you to guide me.  Nasabi na siguro sa 'yo ni Lolo that I will be handling the club from now on.  Kaya lang I don't know a thing naman about football.  Yung bola na hugis oblong yung ginagamit niyo sa paglalaro, right?"

"No, American football yung tinutukoy mo.  We're playing soccer," pagkaklaro niya dito.

Mukha namang nalito ito sa sinabi niya.  "Is there a difference?"

Sa puntong 'yon ay tuluyan nang nagsalubong ang mga kilay niya.  Paano naisipan ng matandang De Alva na ibigay ang pangangalaga ng team nila sa apo nito na hindi man lang alam kung ano ang pagkakaiba ng American football sa soccer?  "Bilog ang hugis ng bola na ginagamit namin," napilitan niyang ipaliwanag.

"I still don't get it, oblong man o bilog yung bola na gamit, they are still both called football," wika nito na parang walang naintindihan sa sinabi niya.

Napangiwi siya.  Ano pa bang eksplanasyon ang gusto nito?  Sa hugis pa lang ng bola ay dapat naintindihan na nito ang pagkakaiba ng dalawang laro.  Mukhang tama nga ang lahat ng balita na narinig niya tungkol sa babaeng ito.  Nakadalo na siya ng ilang mga party na ginanap sa mansiyong ito dahil na rin sa pang-iimbita ng matandang patriarch, at sa tuwing napag-uusapan si Sunny De Alva ng mga kamag-anak nito, isang bagay lang ang sinasabi ng mga ito.  That she was just a dumb blond na ang tanging kaya lang gawin ay gumasta ng pera. 

Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon