IPINARADA ni Devlin ang kotse nito sa tapat ng malaking mansiyon ng mga De Alva. Sinulyapan ni Sunny ang binata, magkasalubong pa rin ang mga kilay nito, halatang hindi pa rin ito sang-ayon na iwanan muna siya sa bahay ng kanyang Lolo. Kagagaling lang nila sa police station para i-report ang taong nagpapadala sa kanya ng mga prank mail at text messages. Pero parang wala ring silbi ang ginawa nilang 'yon. Hindi naman daw kasi matutukoy ng mga pulis ang kung sinumang nagpapadala sa kanya ng mga mensaheng 'yon gamit lamang ang unknown e-mail address at cellphone number.
Mas makakatulong daw sana kung makakapagsabi siya ng mga tao na sa tingin niya ay maaaring magpadala sa kanya ng gano'ng klaseng mensahe, but no one really came to mind. Kaya naman bago pa sila umalis ng station ay inis na inis na agad si Devlin. Hindi kasi nito nagustuhan ang naging tugon ng mga pulis sa hinaing nila. Nakadagdag pa do'n na tinawagan ito ng DFA at sinabing nagkaro'n ng problema sa pagre-release ng VISA ng ilang mga miyembro ng club. Pinapapunta ito ngayon sa opisina ng DFA para maasikaso ang problemang 'yon.
Pahirapan pa bago niya ito napapayag na iwan muna siya sa bahay ng Lolo niya. But she will only slow him down kung isasama pa siya nito sa DFA, hindi naman pwedeng habang nag-aasikaso ito ng mga papeles ay binabantayan din siya nito. So now, he was extremely pissed as hell. Alam naman niya na nag-aalala lang ito sa kanya, pero masyado naman na yata itong nag-o-over-react. Sa tingin niya kasi ay wala naman talagang panganib na dulot ang kung sinumang nagpapadala sa kanya ng mga mensaheng 'yon.
"Wala ka ba talagang maisip na pwedeng magpadala sa 'yo ng mga prank mail na 'yon?" biglang tanong ng binata. "Someone who holds a grudge against you, like your stepmother perhaps?"
"No, it's not her. No matter how much she hates me, Tita Sylvia wouldn't stoop so low just to do this," aniya na ang tinutukoy ay ang madrasta. Isa pa, hindi mag-aaksaya ng panahon ang stepmother niya para lang padalhan siya ng mga gano'ng klaseng e-mail at text.
"Then how about yung iba mo pang kamag-anak? Meron ba sa kanila na tutol na hawakan mo ang football club?"
Umiling siya. "Masyadong business minded ang mga kamag-anak ko, they don't see the football club as a good investment kaya walang tumutol ni isa man sa kanila nang ibigay sa 'kin ni Lolo ang pamamahala sa club."
Napataas naman ang isang kilay nito sa sinabi niya. "Not a good investment? Ha, tingnan lang natin years from now kung sino ang hindi magandang investment."
Napangiti naman siya, dumadali na naman kasi ang pagiging football addict nito. "Sige na, umalis ka na at baka mahuli ka pa sa appointment mo."
"I still don't want to leave you here."
"Devlin, walang magtatangkang gumawa ng masama sa 'kin dito," paninigurado niya dito.
"I just want this bastard behind bars, hindi ako matatahimik hangga't alam ko na may isang tao d'yan na nagtatangkang gawan ka ng masama." Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya. "Hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa 'yo."
Para namang lomobo ang puso niya dahil sa mga tinuran nito. He really does care for her at kakaibang kaligayahan talaga ang dulot no'n sa kanya. "Walang mangyayaring masama sa 'kin, I won't allow it." She leaned closer to him and gave him a quick peck on the lips. "Sige na, baka mahuli ka na."
"Once more," wika nito at bago pa siya makapag-react ay sinakop na nito ang labi niya.
It was one intense and passionate kiss. Gano'n naman ito palagi, sa tuwing hinahalikan siya nito ay animo 'yon na ang huling halik na pagsasaluhan nila. Halos maubusan na siya ng hininga nang tapusin nito ang halik na 'yon.
BINABASA MO ANG
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)
Historia CortaLabag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya...