BUONG pagmamalaking pinagmasdan ni Sunny ang loob ng gym. Kung dati ay puro mga weightlifting equipment lang ang nando'n, ngayon ay halos kumpleto na 'yon sa mga gamit na makakatulong sa training ng bawat players. Mas kailangan ng mga ito ngayon 'yon lalo pa nga't mahigit isang buwan na lang at magaganap na ang practice match ng mga ito sa isang football club sa Japan.
Nang malaman niya ang bagay na 'yon, agad siyang gumawa ng paraan para mas mabilis niyang makuha ang mga gym equipment at madeliver ito agad dito sa training ground. Hindi naman problema ang pera, because her Lolo was more than willing to give her any amount of money basta makakatulong sa progress ng bawat manlalaro ng team.
Nag-research talaga siya ng mga training equipment na makakatulong sa mga ito. For two weeks, inilaan lang niya ang oras niya para mas maintindihan pa niya ang larong football. She started watching games after games after games. Hindi rin siya tumigil sa pag-re-research hanggang maintindihan niya ng lubos ang mga rules at regulation ng naturang laro. Kung gusto niya talagang pamahalaan ang Assassins, F.C., kailangan naman kahit paano ay may alam siya sa football. At aaminin niya, she was really starting to appreciate the game.
Nagsisimula na rin siyang mapalapit sa mga miyembro ng club, lalo na sa main eleven members ng team. The more she got to know about them, the more she came to like them. At mukha namang tanggap na rin siya ng mga ito bilang bagong tagapamahala ng club. Even Rome seemed to accept her now. Pero siyempre, hindi pa rin mawawala ang problema.
Nitong mga nakaraang araw ay nakakatanggap siya ng mga prank mail. Nagsimula 'yon nang omorder siya ng mga gym equipment. Hindi siya sigurado kung paano nakuha ng kung sinumang taong 'yon ang email adress niya but that person kept on telling her na bitiwan na niya ang pamamahala sa football club, kung hindi ay pagsisisihan niya na tinanggap pa niya ang trabahong ito. She really didn't give it any mind, dahil sigurado siya na isang tao lang na walang matinong magawa sa buhay ang nagpapadala ng mga e-mail na 'yon sa kanya. Isa pa, kung sasabihin niya ang tungkol do'n sa Lolo niya ay tiyak na mag-aalala lang ito. Hindi niya pwedeng hayaang mangyari 'yon, not over something so baseless like this.
Not including that, masasabi niya na ayos naman na ang lahat, maliban na lang sa katotohanang hindi pa rin niya matagalan ang coach ng Assassins na si Devlin. Pero ngayon, she can't stand him not because he annoyed her but because he made her nervous. Kapag nasa malapit ito pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya dahil sa sobrang bilis ng tibok no'n. At isa lang ang nakikita niyang dahilan. That accidental kiss. Heck, it's not even supposed to be considered as a kiss dahil nagdikit lang naman ang labi nila. That's right, their lips merely grazed each other. Pero kahit ilang beses pa niya 'yong paulit-ulit na sabihin sa sarili niya, her thoughts would always wander to that moment when she felt his lips against hers. At 'yon ang labis niyang ikinaiinis.
It's not as if 'yon ang kauna-unahang beses na nahalikan siya. Tatlo na ang nagiging kasintahan niya and she shared some kisses with them. Pero wala sa mga 'yon ang nakapagparamdam sa kanya ng naramdaman niya sa simpleng paglalapat ng mga labi nila ni Devlin. Na para bang milyung-milyong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa buong katawan niya. And she didn't like. She didn't like it at all. Because that would make Devlin different from other men she's been with. At hindi niya gusto ang pinapakahulugan no'n.
Mabilis niyang pinalis ang iniisip, baka kasi kung saan lang 'yon humantong kapag hindi pa siya huminto. Lalabas na sana siya nang mapansin niya ang isang maliit na dumbell na nakakalat sa sahig. Napailing na lang siya nang makita 'yon. Sino naman kayang burara ang nag-iwan no'n do'n? Ang mukha agad nina Macky at Coby ang pumasok sa isipan niya. Nainis lang siya nang maalala ang mga ito. Ang mga ito kasi ang dahilan kung bakit mas pursigido siya na iwasan si Devlin.
BINABASA MO ANG
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)
Cerita PendekLabag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya...