Eight years later...
KINUHA ni Sunny sa oven ang binake niyang strawberry shortcake at maingat 'yong ipinatong sa isang malaking plato. Naghiwa siya ng tatlong slice at inilagay 'yon sa tig-iisang platito. Nagsalin din siya ng orange juice sa tatlong baso. Ipinatong niya ang mga 'yon sa tray at dinala sa may dining room.
"Guys, ready na ang meryenda niyo!" sigaw niya, pero makailang sandali pa ay wala pa ring pumupunta sa dining area.
Pumunta na siya sa may living room at napangiti na lang sa nakita. Nakaupo sa mahabang sofa si Devlin habang kandong-kandong ang kambal nilang anak na sina Artemis at Apollo. Engrossed na engrossed ang mga ito sa panonood ng replay ng laro ng Assassins laban sa isang football club sa Russia. Her heart was immediately filled with love as she watched the three most important people in her life.
It has been eight years simula nung magkakilala sila ni Devlin. Seven years since they got married. Parang kahapon lang nung nag-propose ito sa kanya sa telepono. They didn't win, by the way. Natalo noon ang Assassins sa F.C. Tokyo. But they get married anyway. Kahit naman natalo noon ang Assassins, isa lang naman ang naging lamang ng kalabang koponan, kaya madami pa rin ang nakapansin sa taglay na galing ng bagong tayong football club sa Pilipinas.
Madami nang nagbago simula noon. May dalawa na silang anim na tanong gulang na anak ni Devlin, fraternal twins, a girl and a boy. Devlin was still the coach for the team and she was still the owner. Pero hindi na siya kasing hands-on kagaya dati. Nag-hire na siya ngayon ng general manager na siyang namamahala sa lahat ng affairs ng club. Medyo busy rin kasi siya sa kanyang boutique, which was doing very well by the way.
Natupad na nila ang ipinangako nila noon, Assassins, F.C. was now one of the best football club not only in Asia but also in the whole world. Ilang beses nang nakasali ang team sa FIFA at hindi sila nawawala sa top ten. Maging ang bawat members ng club ay sikat na sikat na rin. Daig pa nga ng mga ito ang mga local celebrities kung pagkaguluhan ng mga tao.
"Mom, what are you doing there?" biglang tanong ni Artemis sa kanya, her curly strawberry blond hair was fanning her cherub face. "Sit here and watch the game with us."
Lumingon naman sa kanya ang mag-ama. "Don't just stand there, sweetheart. Join us."
"Yeah, Mom, join us," wika naman ni Apollo. Hindi kagaya ng kakambal, nakuha nito ang itim na itim na buhok ng ama.
"Okay, okay." Lumapit siya at umupo sa tabi ng mga ito.
Umalis si Apollo sa kandungan ng ama nito at sa kanya naman ito kumalong. Nangingiti na lang na niyapos niya ang anak. Sinulyapan niya ang asawa. Yes, many things have changed. Pero may isang bagay na hindi pa rin nagbabago. Her love for Devlin was just as intense as it had been eight years ago. Ibinigay nito sa kanya ang pamilya na matagal na niyang inaasam-asam.
Inilapit niya ang bibig sa teynga nito and whispered, "I love you."
Isang malawak na ngiti naman ang ibinigay nito sa kanya. "And I love you." At hinalikan siya nito.
"Eeewww. Mom and Dad are smooching," wika ni Apollo.
Nagkatinginan na lang sila ni Devlin at sabay na lang silang napatawa.
For more info about Assassins Series, please visit our facebook page;
https://www.facebook.com/assassinsphr/ :)Link to Book 2: https://my.w.tt/UiNb/xiK9n4kC9G
-- WAKAS --
BINABASA MO ANG
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)
Cerita PendekLabag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya...