CHAPTER ELEVEN

8.4K 256 2
                                    

HALOS pigilan na ni Sunny na mapatawa dahil sa sambakol na mukha ng nakakatandang kapatid.  Kanina pa gano'n ang itsura nito simula nang dumating ito kasama ang asawa nito para dalawin siya sa ospital.  Hindi kasi nito nagustuhan naang malaman nito na pinuntahan pala siya ni Devlin bago lumipad ang binata patungo sa Japan.

"Kuya, ano bang ikinakagalit mo?"

"You're seriously asking me that question?  Nakikita mo ba ang sarili mo?  Your face is a mess, you're covered with gashes, tapos tinatanong mo kung bakit ako nagagalit?  Kung sakali man na nakakalimutan mo, that guy was the one who got you into this mess.  And he didn't even have the decency to tell me na nasa panganib na pala ang buhay mo.  Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka man lang nagagalit sa kanya."

"Kuya, hindi naman siya ang gumawa nito sa 'kin.  In fact, he's the one who saved me.  Kaya 'wag ka nang magalit kay Devlin."

"Sunny is right," pagsang-ayon sa kanya ni Dan.  "And besides, it will not do you any good kung magagalit ka sa future brother-in-law mo."

Liam snorted.  "Brother-in-law my ass.  As if I'd let that happen."

"Eh ano pang magagawa mo kung nagmamahalan na 'yong dalawa?" tanong ng hipag niya.

Tumingin naman sa kanya ang kapatid.  "Is it true?"

Napangiti naman siya dahil sa ekspresyon ng mukha ng kapatid.  "Yes, I love him," matapat niyang wika.  "And he also loves me.  Kaya wala ka nang magagawa pa, Kuya."

"But-"

"Come on, hayaan na muna nating magpahinga si Sunny," putol ni Dan sa sasabihin ng kapatid, at hinigit na nito ang kuya niya palabas ng kanyang hospital room.

Naiiling na lang na sumandal siya sa headboard ng kama.  It's already been five days since that incident with John happened.  Nakakulong na ito ngayon at sigurado siya na mabubulok na ito doon.  Kahit na may pera pa ang pamilya nito, hindi naman papayag ang Lolo niya na makalabas ito ng bilangguan pagkatapos ng ginawa nito sa kanya.  Kaya naman nakakahinga na talaga siya ng maluwag ngayon.

She was really afraid during that period na ang baliw na 'yon ang kasama niya.  Hindi nga niya alam kung saan nagmula ang lahat ng lakas ng loob na ipinakita niya noong mga oras na 'yon.  Siguro dahil hindi siya tumitigil sa paniniwala na darating si Devlin at ililigtas siya.  Kaya naman labis ang pasasalamat niya na nang magmulat siya ng mga mata ay ang binata ang una niyang nakita.

She was hurting all over, lahat yata ng parte ng katawan niya ay masakit.  Para ding may kung anong mabibigat na nakapatong sa mga mata niya kaya hindi niya magawang imulat ang mga 'yon.  But she felt that someone was holding her hand.  It was a big, callous hand.  Isang kamay na pamilyar na siya. 

Kahit mahirap ay unti-unti niyang iminulat ang mga mata para makita ang may-ari ng kamay na 'yon.  And when she finally did, ang una agad na nakita niya ay ang nag-aalalang mukha ni Devlin.  Napatayo ito sa pagkakaupo nang makita na nagising na siya.  "Sunny, you're awake!  Ayos ka lang ba?  May masakit ba sa 'yo?  May gusto ka bang inumin o kainin?" sunud-sunod na tanong nito.

"Hey, slow down," natatawa niyang wika.  Inilibot niya ang paningin, noon lang niya napansin na nasa loob pala sila ng isang hospital room.  Naaalala niya na nawalan siya ng malay.  "Ilang oras akong walang malay?"

"Almost a day."

"Si Kuya?  Alam na ba niya ang nangyari sa 'kin?"

"Oo, in fact kaaalis lang niya kasama si Dan.  Kagabi pa walang pahinga ang kapatid mo sa pagbabantay sa 'yo.  Kung hindi pa siya pinilit ni Dan baka hindi pa rin siguro 'yon umuwi.  He's quite pissed at me, hindi ko kasi agad nasabi sa kanya na na-kidnap ka.  Alam na rin pala ng Lolo mo ang nangyari, he will come back as soon as he can."

Napatango-tango na lang siya, pagkatapos ay mataman niya itong tinitigan.  "Eh ikaw, nagpahinga ka na ba?"

Umiling ito at ngumiti.  "I can't rest when you haven't even regain conciousness yet."  Hinawakan nito ang kamay niya.  "I'm really sorry na nangyari ang lahat ng ito.  Hindi ko akalain na ikaw ang magbabayad sa isang bagay na ginawa ko noon."

"Wala kang kasalanan.  That John is mentally unstable.  Hindi mo naman siguro maiisip nung tinanggal mo siya noon sa team na magagawa niya ang mga bagay na 'to.  Kung iisipin pa nga nating mabuti, tama lang na tinanggal mo siya.  Ano na lang ang mangyayari kung hanggang ngayon member pa rin ng Assassins ang baliw na 'yon?"

"You're really strong, you know that?  I should be the one consolling you, not the other way around.  Ikaw pa ngayon ang nagpapagaan ng damdamin ko."  Hinalikan nito ang kamay niyang hawak-hawak nito.  "Hindi na ako nagtataka kung bakit nahulog ang loob ko sa 'yo."

Hindi naman niya inaasahan ang tinuran nitong 'yon.  Hindi tuloy siya sigurado kung tama ba ang dinig niya o nabibingi lang siya.  "Ahm, pakiulit nga nung sinabi mo.  I think I misheard you."

"No, you heard me perfectly.  I love you, Sunny."

Para namang may kung anong bumikig sa lalamunan niya dahil sa narinig.  Pati ang puso niya ay parang ayaw tumigil sa kaka-tumbling.  "H-how?"

"Well, maybe because you're kind, responsible, hardworking, isa ka sa pinakamatapang na babae na nakilala ko, not to mention you're very beautiful.  Gusto mo pa bang isa-isahin ko sa 'yo ang magaganda mong katangian?" tanong nito with a playful smile on his lips.  "Hindi ko rin alam kung kailan nagsimulang mahulog ang loob ko sa 'yo.  Maybe it was that day when we had that accidental kiss.  Yeah, it only took one kiss just to make me fall for you."

Hindi na niya napansin ang pangingilid ng luha niya.  It was like a dream, hearing the man you love telling you he loves you. 

"Hey, no crying sweetheart.  Umiiyak ka na agad d'yan eh hindi ko pa nga naririning 'yong sagot mo sa confession ko."

"Of course I also love you.  I won't let you kiss me all those times kung hindi rin kita mahal, no.  I'm not a loose woman, you know.  Hindi ako nagpapahalik sa kung sinu-sino lang."

Bigla naman itong napatawa.  "Oh Sunny, I love you." 

And then he kissed her.

Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala niya 'yon.  Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho lang sila ng nararamdaman ng binata.  Siya kasi 'yong tipo na hindi naniniwala hangga't hindi sinasabi sa kanya ng harapan.  Kaya masaya talaga siya na malaman na seryoso talaga sa kanya si Devlin.  Kahit paano pala ay may maganda ring naidulot ang pag-kidnap sa kanya.

Naputol ang pag-iisip niya nang biglang pumasok si Dan.  Lumapit ito sa kanya at inilahad ang hawak-hawak na cellphone.  "Devlin called, ibigay ko daw sa 'yo yung phone.  Sige na, sagutin mo na bago pa makita ng Kuya mo na kausap mo siya."  Pagkabigay nito sa kanya ng aparato ay lumabas na ulit ito.

"Devlin?  Hindi ba ngayon 'yong laro niyo sa F.C. Tokyo?  Don't tell me you're calling me in the middle of the game?"

"Yes, I am."

"Why?"

"Kasi gusto kong sabihin sa 'yo na kapag nanalo kami, you will marry me."

"What?  Nagbibiro ka ba?"

"Nope.  Kaya kapag nanalo kami, wala ka nang magagawa kundi pakasalan ako."

Napatawa naman siya.  This was so like Devlin, always so demanding.  "Are you seriously proposing to me over the phone?"

"Yup, pero 'wag kang mag-alala, balak ko pa namang ulitin 'to pagbalik namin d'yan.  Kailangan ko lang ng insurance, in case maisipan mong tumanggi.  So ano, payag ka na ba?"

"Okay, fine.  Kapag nanalo kayo, I will marry you."

Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon