CHAPTER EIGHT

8.3K 239 4
                                    

NASA MAY bench si Sunny at pinapanood ang pag-practice ng members ng club sa field.  'Yon na ang huling araw ng practice ng mga ito.  Tatlong araw mula ngayon kasi ay aalis na sila patungo sa Japan para sa magaganap na practice match sa pagitan ng mga ito at ng F.C. Tokyo.  Nagdesisyon siyang sumama para naman kahit paano ay mabigyan niya ang mga ito ng moral support.  Excited na talaga siya para sa mga ito but at the same time ay kinakabahan rin siya.  Pero malaki naman ang tiwala niya sa mga ito.  She knew they could win that match.   

Three days ago, pumunta siya sa mansiyon ng Lolo para kausapin ito tungkol sa pamamahala niya sa club.  Naalala niya pa ang naging pag-uusap nila.

"So ano bang gusto mong pag-usapan?  I take it na may kinalaman ito sa club?" tanong nito.  Halos isang buwan na lang kasi ang natitira sa tatlong buwang palugit na ibinigay nito sa kanya.  Kailangan na niya itong kausapin ngayon tungkol do'n dahil kinabukasan ay aalis ito patungo sa ibang bansa para sa isang business convention.

"Yes.  I plan to handle the club until you find a more appropriate person to do it," matapat niyang wika dito.  Hindi siya sigurado kung kailan niya napagtanto ang bagay na 'yon.  Basta ang alam niya, sobrang nag-e-enjoy na siya sa ginagawa.  And besides, napalapit na rin siya sa mga member club.  Hindi naman niya kayang pabayaan ang mga ito when she knew na walang ibang tao na pwedeng mamahala sa club bukod sa kanya.

Isang malawak na ngiti ang sumilay sa labi ng matanda.  "Sinasabi ko na nga ba at magugustuhan mo ang paghawak sa club.  So I already took the initiative of naming you the official owner of Assassins, F.C.  Legally, sa 'yo na nakapangalan ang club.  You can do whatever you want with it.  Kaya kapag dumating na yung oras na gusto mo nang itayo yung business na matagal mo nang gustong ipatayo, you can just hire a general manager na siyang mag-ha-handle ng lahat ng mga bagay na may kinalaman sa club.  What do you think?"

Hindi naman siya nakapagsalita agad.  Labis kasi talaga siyang nagulat sa sinabi nito.  "W-why?" tanging nawika na lang niya.  Parang hindi pa rin kasi tuluyang nag-si-sink in sa kanya ang mga sinabi nito.

"Because as I've said the first time, I trust you.  At hindi naman ako nagkamali.  Nakita ko kung gaano kalaking improvement ang ginawa mo sa training ground.  Hindi lang 'yon, I really admire your effort na mas makilala pang mabuti ang bawat members ng club.  It goes to show that you really care about them.  At kapag kinakausap ko si Devlin, pawang magagandang bagay lang ang sinasabi niya patungkol sa 'yo.  So I guess you're really doing a good job.  Kaya tama lang na ibigay ko sa 'yo ang Assassins."

Parang gusto naman niyang maiyak, hindi niya akalain na makakaramdam siya ng ganitong kasiyahan ngayon.  To think na nung umpisa ay sobrang reluctant pa siya na gawin ang trabahong ito.  Pero ngayon, napakasaya talaga niya na malaman na kahit hindi na siya ang namamahala sa club ay mananatili pa rin siyang konektado dito bilang may-ari nito.  Lumapit siya sa Lolo at mahigpit itong niyakap.  "Thank you, Lolo.  Thank you for trusting me this much."

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay tinanong ng abuelo kung paano ang pagmomodelo niya.  Sinabi niya dito na hindi na nito kailangan pang alalahanin 'yon.  Nag-file naman kasi siya ng indefinite leave at bukod pa do'n ay malapit na rin namang ma-terminate ang kontrata niya sa modelling agency na kinabibilangan.  At isa pa, ito na rin siguro ang tamang oras para tigilan na niya ang pagmomodelo at isipin naman niya kung ano ba talagang balak niyang gawin sa buhay. 

Napangiti siya nang bigla na lang tumayo si Devlin at sigawan ang ilang mga manlalaro.  She really liked it kapag ganitong seryosong-seryoso ito sa pagco-coach.  Well, kahit naman anong ekspresyon ng mukha nito ay napakagwapo pa rin nito sa paningin niya.  Gusto niyang matawa because of how corny she sounded.  Pero 'yon naman kasi ang totoo.  These past weeks, parang ang binata na lang ang nakikita ng mga mata niya.  Pati isipan niya ay na-invade na rin nito.

Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon