KAKAIBANG kaligayahan ang nadarama ni Sunny habang pinagmamasdan niya ang kapatid at ang napangasawa nito. Katatapos lang ng wedding ceremony at lahat ng bisita ay dumiretso sa malaking mansiyon ni Frederico De Alva. Sa malawak na hardin kasi ng bahay magaganap ang reception. It was a very beautiful wedding. Mula sa simbahan hanggang dito sa reception, everything was perfectly planned. Nakakatuwa pa dahil si Dan, ang napangasawa ng kanyang kapatid, mismo ang nag-asikaso ng kasal. Katulong nito ang dalawa pa nitong kapatid na babae. May sarili kasing wedding planning company ang mga ito.
Muli siyang sinulyapan ang bagong kasal sa residential table. Sweet na sweet ang mga ito sa isa't-isa. Masaya talaga siya para sa Kuya Liam niya. Kitang-kita kasi sa mukha nito ang labis na kaligayahan at pagmamahal para sa napangasawa nito. And she can also say the same for Dan. The two of them were the epitome of happiness.
Pansamantala muna siyang tumayo mula sa kinauupuan para pumunta sana sa powder room, pero papasok pa lang siya na bahay ay bigla na lang may bumunggo sa kanya mula sa likudan. Mabuti na lamang at hindi gano'n kalakas ang pagkakabunggo sa kanya kaya naman hindi siya natumba. Nang tumunghay siya para pagsabihan sana ang kung sinumang bumunggo sa kanya, she came face to face with a pair of startling eyes. One as blue as the ocean, and the other as brown as dark chocolate. Kahit ilang beses pa niyang makita ang mga mata nito ay talagang hindi pa rin siya masanay-sanay.
"Rune," aniya. Magulo ang buhok nito at ang suot nitong neck tie ay wala na rin sa ayos. Kagaya niya ay isa rin ito sa mga abay sa kasal. Bunsong kapatid kasi ito ng bride. Nung una nga niya 'yong malaman ay talagang nagulat siya. Napakaliit nga lang talaga ng mundo, 'yon lang ang tangi niyang naisip. "Muntikan na 'kong magtaob dahil sa 'yo, alam mo ba 'yon?"
"Sorry," wika nito sabay hikab. "Is there a place here where I can sleep?"
Napailing na lang siya sa tanong nito. Kung hindi kasi yata ito naglalaro ng football, eh natutulog naman ito. Ayon nga sa iba pang members ng Assassins, pagtulog ang paboritong past time ng binatilyo. "Ah, hindi ba baka magalit ang ate mo kapag nalaman niya na mas pinili mo pang matulog kesa maki-celebrate sa kasal niya?"
"I'm happy for them and all that, but I think I've done enough celebrating. Kapag hindi pa 'ko matutulog ngayon, baka bigla na lang akong matumba dito," wika nito na muli na namang humikab, his eyes becoming more droopy by the second.
Napabuntung-hininga na lamang siya. "There's a greenhouse not far from here, pwede kang matulog do'n ng walang gumagambala sa 'yo."
Tinanguan lang siya nito at pagkatapos ay iniwan na siya. Nagpasya na siyang dumiretso na rin sa may powder room. Pagkatapos mag-retouch ng make-up ay lumabas na rin siya. She was about to go back to her seat nang makasalubong niya ang isa sa mga tao na pilit niyang iniiwasan since magsimula ang wedding ceremony. Her stepmother.
Kagaya ng dati, she was looking at her again like she was just a useless piece of trash. Dapat sanay na siya, her stepmother has been looking at her that way ever since she was ten. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nababawasan ang sakit. Agad siyang nagbaba ng tingin. At hiniling na sana ay mas piliin na lang nito na hindi siya pansinin. Pero hindi nangyari ang inaasahan dahil maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita.
"Narinig ko na ipinamahala na sa 'yo ni Papa ang football club na itinayo niya," wika nito in her usual clipped tone. "I think he made a good decision, giving that job to you. Kawawa nga lang ang club na 'yon, dahil tiyak naman na sa bandang huli ikaw lang din ang sisira sa kanila. Well, who cares anyway? That junk of a team is only suited to a thrash like you."
She gritted her teeth in anger. Hindi na niya iniinda ang mga pang-aalipusta nito sa kanya. Pero ang hindi niya matanggap ay ang pangmamaliit nito sa Assassins. Nitong mga nakaraang linggo, naging saksi siya sa napakahirap na training ng mga ito. Ang araw-araw na practice, ang walang katapusang training, pero kahit minsan ay hindi siya nakarinig ng kahit na isang reklamo mula sa mga ito. Because they love what they do, malinaw niyang nakikita 'yon. Their passion for football was unparallel. Walang sinuman ang pwedeng kumwestiyon no'n. Kaya walang karapatan ang madrasta niya na maliitin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)
NouvellesLabag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya...