IPINARADA ni Sunny ang sasakyan at bumaba na. Inilibot niya ang paningin sa malawak na lupain na nasa harapan. It was a vast landmass located at the town of Mariveles in Bataan. Her Lolo bought it years ago para sana pagtayuan ng isang food factory pero hindi naman 'yon natuloy dahil na rin sa pagtutol ng mga tao na taga-doon. Makakadagdag lang daw 'yon sa polusyon sa paligid. Kaya heto, after years of being a vacant lot, ginawa na lang itong training ground ng Lolo niya para sa Assassins, F.C.
Napangiti siya nang maalala ang pangalan na ibinigay ng abuelo para sa football club. It was so like him. Unique and very unforgetable. Pumunta siya do'n para tingnan ang lugar na pinagsasanayan ng buong team. Napabuntung-hininga siya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na napapayag siya ng Lolo niya sa gusto nito. Pero nang mabasa niya ang mga papeles na may kinalaman sa football club at sa mga miyembro nito, unti-unti niyang napagtanto na kailangan talaga na may isang tao na mamahala sa club.
Unang-una sa lahat, napakadaming kailangang ayusin dito sa training ground. Ayon sa nabasa niya, nahahati sa dalawang bahagi ang training ground. Nasa isang bahagi ang mga facility kagaya na lang ng dormitory, gym, at isa pang building kung saan nando'n ang cafeteria at clinic. Sa kabilang bahagi naman ay nando'n ang malawak na football field. Hindi pa rin naaayos ang ilang linya ng kuryente kaya naman may ilang kwarto sa dormitoryo na hindi pa rin nalalagyan ng ilaw. Kulang-kulang din ang mga kagamitan sa gym. Meron ngang clinic pero wala namang doktor o kahit man lang nurse na tumatao doon.Months ago ay ibinigay ng Lolo niya ang temporary na pamamahala ng club sa isa sa mga assistant nito, but obviously, kagaya nga nang sinabi ng Lolo niya, hindi nito nagawa ng maayos ang trabaho nito. Kaya heto, siya tuloy ang kailangang umayos sa lahat ng bagay na hindi nito nagawa. If she will do this, then she might as well do her best.
Nagsimula na siyang maglakad. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay dalawang lalaki ang bigla na lang humarang sa daraanan niya. Nag-angat siya ng mukha and came face to face with two dashing men. Kapwa nakangiti ang mga ito sa kanya.
"Hi! Are you lost?" tanong ng isa na may sandy blond na buhok. "We can take you to the town proper if you want."
"And since you're really beautiful, we'll do it for free. Hindi lang 'yon, sasamahan ka pa naming mag-lunch and the three of us could spend the afternoon together," dugtong pa ng isa.
Sabay na inilahad ng mga ito ang kamay sa kanya and both gave her devastating smiles.
Hindi na niya napigilang mapangiti. These two were just oozing with charms. Kung sakali siguro na talagang naligaw siya sa lugar na 'yon, she might seriously take them on their offer. Agad niyang nakilala ang mga ito, she had seen their profile on the files her Lolo gave her the other day. Parehong main member ang mga ito ng Assassins. She looked at the blond. "Mackenzie Thompson," then she looked at the other one, "Cobalt Assistio."
Halata namang nagulat ang mga ito dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ng mga ito. "You know us?" tanong ni Mackenzie.
"Apparently, yes," sagot naman niya.
"Then that's even better, hindi na namin kailangang ipakilala ang sarili namin sa 'yo. But it's kind of unfair since we don't know your name," wika ni Cobalt."I'm Sunny De Alva and I'm the new owner of your team."
"So you're the one Devlin was talking about."
Pagbanggit ni Mackenzie sa pangalan ng coach ng mga ito ay agad siyang nakaramdam ng pagkainis. Naaalala lang kasi niya ang pang-iinsulto nito sa kanya. Pero isang kakaibang pakiramdam din ang bigla niyang nararamdaman sa tuwing naaalala niya ito. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. It must be because he just extremely annoyed her. Annoyed her to the point na hindi na niya maalis ang mayabang nitong mukha sa utak niya.
"He never told us that you're this hot," dugtong pa ng binata, giving her a very appreciative glance. "You can just call me Macky by the way." Inabot nito ang kamay niya at pinatong 'yon sa braso nito.
BINABASA MO ANG
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)
NouvellesLabag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya...