MAKAILANG ulit nang pinasadahan ni Sunny ang sarili sa tapat ng full lenght mirror. Ilang beses din siyang nagpalit ng damit dahil hindi siya makapagdesisyon sa kung ano ang dapat niyang isuot. Pati ang pag-a-apply ng make-up at tamang ayos ng buhok ay pinuproblema rin niya. Sa bandang huli, she just decided to wear a knee lenght yellow sun dress and doll shoes. She put a light make-up at tinirintas na lang niya ang buhok. All because this was the day that she and Devlin were supposed to go out.
It's not as if this was a date, lalabas lang sila, 'yon lang. Yeah right, sino nga bang niloko niya? Kahit na ilang beses pa niyang sabihin sa sarili niya na lalabas lang sila at walang ibang ibig-sabihin 'yon, kakaibang kaba pa rin ang nadarama niya. Because truth of the matter is, she was treating this as a date. Sa katunayan nga, nung isang araw pa siya hindi mapakali dahil sa kakaisip sa kung saan sila maaaring pumunta ng binata. She was simply dying with excitement. At hindi niya alam kung saan nanggaling ang pakiramdam na 'yon.
Heck, she didn't even know kung bakit nararamdaman niya ang mga kakaibang damdamin na ito para kay Devlin. Kapag kasama niya ito it always felt like there were millions of butterflies inside her stomach. Lalo lang 'yong umigting nang ipagtanggol siya nito sa stepmother niya. No one has ever done that for her. Kaya naman sobrang na-appreciate niya talaga ang ginawa nito.
Labis na kasiyahan ang nadama niya when he said that he thought of her as an amazing woman. Madami na siyang narinig na compliment sa buhay niya but that was the first time that someone from the opposite sex ever told her that she was amazing. And weirdly enough, she believed him. Lahat ng pagdududa at sakit na idinulot ng mga sinabi ng stepmother niya ay bigla na lang naglaho dahil sa mga simpleng salita nito. She made her smile. At nang hawakan nito ang mga kamay niya, all she could think was how perfect their hands fit.
Maaaring sa ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ba talaga ang nadarama niya para sa binata, but she will get there. No matter how long it took, she will get there. Pero sa ngayon, masasabi niya nang may kasiguraduhan na espesyal si Devlin para sa kanya. Napakaespesyal.
Naputol ang pag-iisip niya dahil sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone. It was a text message. Dagli siyang lumapit sa aparato para tingnan ang dumating na text. Nang makita niya na mula 'yon sa isang unknown number, hindi na siya nagdalawang-isip at agad na niya 'yong binura without even reading it. Tiyak naman kasi niya na mula na naman 'yon sa nagpapadala sa kanya ng mga prank mail.
Nitong mga nakaraan ay hindi na lang basta prank mail ang pinapadala nito sa kanya, nag-se-send na rin ito sa kanya ng mga text message. Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang number niya but that person always says the same thing, ang bitiwan niya ang pamamahala sa Assassins at buwagin niya ito. As if she'd do that. Hindi pa siya nababaliw para gawin 'yon. Hindi niya alam kung ano ang trip nung tao na nagpapadala sa kanya ng mga e-mail na 'yon. But one thing's for sure, wala siyang panahon para makipaglaro dito.
Minsan nga ay pinagtatawanan na lang niya kapag nakakatanggap siya ng mensahe mula dito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit nito pinipilit na buwagin ang isang club na katatayo pa lang at wala pang gaanong napapatunayan. The best way to handle people like that ay hindi ito pansinin. Sigurado naman kasi siya na ito yung tipo na naghahanap lang ng atensiyon kaya nito ginagawa ang mga ginagawa nito at wala siyang balak na ibigay 'yon dito.
Inilagay na niya sa loob ng handbag ang cellphone at lumabas na ng condo unit niya. Sa labas na lang ng condominnium building niya aabangan si Devlin. Pagkababa niya ay ilang sandali lang ang pinaghintay niya bago huminto sa tapat niya ang isang big bike, a black Harley if she might add. The rider took off his helmet and she almost gaped nang mapagsino ito. It was Devlin!
BINABASA MO ANG
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)
Cerita PendekLabag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya...