NAKATINGIN lang si Wynona sa harap ng salamin kung saan inaayusan siya ng baklang make-up artist. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kalungkutan gayong kasal ng isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan. Hindi ba at dapat ay masaya siya dahil finally nakamit na din ni Candy ang inaasam nitong kasal kasama si Bob. Matagal na din kasing magkasintahan ang dalawa at kasal na lang ang kulang sa mga ito.
Maybe she was happy for Candy but she just can't accept the fact the she will be forever a maid of honor but not a bride. Dahil halos lahat ng kakilala at ka-batch niya ay nagpapakasal na. Napag-iiwanan na siya ng biyahe.
"Ayan madam napakaganda niyo na," nasisiyahang wika ng bakla sa kanya.
Nasiyahan naman siya dahil totoo ngang mas lalo siya nitong napaganda nito. May magic yata ang bakla.
"Kailan kaya ako makakasuot ng sarili kong traje de boda?" wala sa sariling tanong niya. Matagal na niyang pangarap ang magsuot na sariling wedding gown. Pero mailap yata ito.
"Sa tamang panahon madam at sa tamang lalaki," nakangiting wika ng bakla sa kanya.
Nasiyahan naman siya sa sinabi nito dahil totoo naman iyon. Kahit papaano ay nagkaroon siya ng bagong pag-asa na darating din ang tamang panahon kasama ang tamang lalaki para sa kanya. Pero kailan kaya ang tamang panahon?
BINABASA MO ANG
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)
Romance"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang g...