NAGLALAKAD si Apollo sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Sino ang magsasabi na ang isang tagapagmana ng isang multi-milyong kompanya ay magkakaroon ng pagkakataon na tumira sa madilim at masikip na eskinitang iyon. His life it was never been before after their abduction. Umalis nga sila ni Wynona at nakatakas mula sa mga rebelde ngunit may mga sikreto naman sa pagkatao niya ang nabunyag pagkatapos niyon.
Buo na ang loob niya na si Wynona na ang babaing pakakasalan niya at makasama sa isang habang-buhay. Dahil alam niyang sigurado na din siya sa nararamdaman niya para dito bago pa man sila makaalis ng bundok. Pero may mga pagkakataon na sinusubok siya ng tadhana. Kung saan handa na siyang magmahal ay doon pa lilitaw ang isang katotohanan na nagpagulo sa kanyang buhay. Naging insecure siya sa buhay niya at sobrang daming tanong ang unti-unti ay nagsisilabasan sa isip niya.
Was he worth of his own life? Tama ba ang taong nakapaligid sa kanya na kung hindi pa dahil sa nangyaring abduction ay hindi pa niya nare-realize na seryosohin ang buhay? Was he playing all this time?
"Kuya Polo," tawag ng isang batang lalaki na naglalaro ng mga jolens sa harap ng tagpi-tagping bahay. It was his home, his real home.
"Hindi ka pa ba naliligo Boyet? Ang Ate Susie mo nasaan?" tanong niya dito ng lapitan ito. Madungis ang batang lalaki at amoy araw.
"Pumunta sa internet café at may gagawin daw na homework, si Nanay nasa loob inatake na naman kanina. Naglalaway na naman siya kuya," sabi nito sa kanya kaya naman dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Nakita niya ang ina na nasa itaas ng hagdan. Lawit ang dila at tumulo ang laway, magulo ang buhok at may tali sa kamay.
It was his real family, anak siya ng isang bayarang babae sa kanyang ama. Sa isang bachelor party noon ng kanyang daddy bago ito ikasal sa kinikilala niyang ina ay ang Nanay Soleng niya ang iniregalo ng mga ka-brod ng ama niya. Aksidenteng nabuntis ng daddy niya ang kanyang ina ng mga panahong iyon. Naikasal na ang daddy niya ng malaman nito ang pagbubuntis sa kanya. Dahil rin hindi na makaanak ang kanyang Mommy Ynez dahil sa sakit sa ovary matapos nitong maipanganak si Ethan ay nagdesisyon ang ama niyang kunin na lamang siya sa kanyang tunay na ina. Dala ng kawalan din ng pormal na kabuhayan ay ibinigay siya ng kanyang ina dito kapalit ng malaking halaga ng pera.
Kaya naman pala kahit anong gawin niya ay hindi siya kayang mahalin ng kinilalang ina ay dahil hindi siya tunay na anak nito. Inilihim ng mga ito ang katotohanan dahil iniiwasan ng mga ito ang malaking eskandalo at iniingatan ng ama niya ang pagkatao niya. Ngunit ng minsang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng kanyang Mommy ay aksidente nitong nasabi sa kanya ang tunay niyang pagkatao.
"You were irresponsible, pabigat ka na nga sa pamilyang ito ay nagawa mo pang gumawa ng kalokohan. Pinabayaan mo ang kompanya ng ilang araw at inuna ang kalokohan mong kulam-kulam na 'yan. Tingnan mo kung ano ang napala mo? Mabuti na lang at nandiyan si Ethan dahil kung wala ay baka hindi naasikaso ang ibang appointments mo," sermon ng kanyang ina isang araw na umuwi siya pagkatapos mahuli ang mga rebeldeng dumukot sa kanila.
"Wala naman akong ginawang tama sa mata niyo, lahat naman ay si Ethan ang magaling. Siya lang naman kasi ang anak niyo," Usal niya dito pero hindi niya pinantayan ang galit nito dahil pinanatili niya ang respeto para sa ina.
"Dahil siya lang naman talaga. You were not my child because you were son of a whore," sigaw nito sa kanya na tila diring-diri ito.
"Ynez," dumadagundong sa buong kabahayan ang sigaw ng kanyang ama na nasa entrada ng pinto ng bahay nila.
"It's time for him to know the truth Amado. Matagal ng panahon na inilihim mo sa kanya kung sino siya," anang ina niya na at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)
Romansa"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang g...