MAAGA pang nagising si Wynona at maaga pa siyang nagtungo sa trabaho. Kahapon ay natapos nila ang orientation sa laboratory ng N&G at ngayong araw naman ay magkakaroon siya ng briefing tungkol sa magiging trabaho niya bilang secretary ng bagong Chairman. Ayon kay Nayumi ay mga usual works lang naman ng secretary ang gagawin niya tulad ng pag-aarange ng schedule nito, tawagan ang mga dapat tawagan, ayusin ang mga meeting nito at ilista ang mga minutes sa meeting na dadaluhan nito. More on pagiging personal secretary siya ng Chairman at sa lahat ng lakad nito ay kasama siya. Hindi naman gaanong mabigat ang trabaho niya basta kasundo lamang niya ang kanyang bagong boss.
Alam niyang hindi naman siya mahihirapan sa mga ganoon dahil marami na siyang experience sa mga dating pinagtarabahuhan niya. Galing siya sa dalawang bangko bago maging dakilang tambay at sanay siyang makipagharap sa mga tao, iba't ibang uri ng tao to be exact.
You'll finally meet him today, papasok na daw siya. Text sa kanya ni Nayumi na ang tinutukoy nito ay ang bagong Chairman. Medyo binundol siya ng kakaibang kaba sa kaalamang magkikita na sila ng amo niya.
Nang makarating na sa building ng pinagtatrabahuhan ay nagtungo na siya sa elevator kung saan iyon ang magdadala sa kanya sa opisina ng Chairman. Nauna na si Nayumi doon sa kanya ng ilang minuto. Nakaalis na pala si Mister Grande kaninang madaling araw kaya obligado na ang batugang anak nito—deskripsiyon ni Nayumi sa bago niyang boos—na pumasok ng trabaho.
Mabuti naman at naisipan niyang pumasok dahil hindi birong trabaho ang naghihintay sa kanya, wika niya sa kanyang isip.
Nang biglang tumigil ang elevator at bigla iyong bumukas ay lumabas na siya. Nagkasalubong sila ni Ethan sa hallway patungo sa opisina ng Chairman.
"Hey, sexy," bati nito sa kanya sabay bigay ng matamis na ngiti.
Kahapon pa habang naglilibot sila sa laboratory ng N&G hindi siya tinitigilan ni Ethan sa kakasunod. Panay ang tawag nito ng mga iba't ibang endearments sa kanya, nahahalata na niyang may pagka-playboy nga ito tulad ng sinabi ni Nayumi.
"Hi, sir," bati niya dito sinadya niyang lagyan ng sir para malaman nito na office hours at medyo maaga pa para sa flirtation. Although gusto niya din ang ginagawa nito, slight.
"You can call me Ethan, babe kapag tayong dalawa lang," anito sa kanya at hinintay siya para magkaagapay silang dalawa sa paglalakad. Medyo naaliw naman siya sa inaakto nito.
"Nasa trabaho pa ho, tayo sir," aniya ulit at diniinan ang salitang 'sir'.
Tumawa lamang ito at hindi na sila nag-usap ulit dahil malapit na sila sa pinto ng opisina. Binuksan nito ang pinto ng opisina at pinauna siyang pumasok nito.
Gentleman ang mokong, aniya sa isip habang papunta sa cubicle niya kung saan naghihintay si Nayumi. Kinilig naman siya sa ginawa nito sa kanya. Dumiretso naman si Ethan sa loob, nakita niyang may mga bitbit itong mga folders.
"He's really making a move, huh," ani Nayumi sa kanya.
Ngumisi lamang siya dito. "I'm still trying to ignore him ngunit mahirap talagang hindi kiligin, 'couz," aniya kay Nayumi at gusto niyang ilabas ang lahat ng naipon na kilig niya mula pa kapahon.
"Just know your limitation 'couz," paalala lamang nito sa kanya.
"I will," aniya at nginitian ito.
Gusto man niyang huwag ng palampasin si Ethan dahil isa na itong good catch ay gusto pa din niyang manigurado sa lalaki na hindi siyan ito sasaktan. Okay na muna ang pakilig-kilig ng konti, sa susunod na siya magseseryoso dahil mukhang hindi pa naman seryoso si Ethan.
BINABASA MO ANG
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)
Romance"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang g...