Chapter Five

6K 91 2
                                    

HINDI makapaniwala si Wynona na naririnig niya ang mga dati ay nababasa lamang niya sa libro at napapanood sa TV mula sa babaeng kaharap ngayon. The girl she talks about named Lunacresia—half-absurd at half-weird—pero sa totoo lang ay kulang ang salitang weird para dito. Kakaiba ang paraan ng pananamit nito at pananalita. Katabi din nito ang 'boyfriend' nito na medyo may saltik din. Napapalibutan siya ng may mga saltik sa ulo, kasama na 'dun ang katabi niyang si Apollo.

"Nag-iba ang ikot ng buwan, ibig sabihin nag-iiba din ang isip ni Mamay Sisa kaya kailangan niyo din mag-iba ng plano," anito sa kanila mayamaya matapos nitong itirik ang mga mata at panginigin ang mga kamay.

Bago sila magtungo sa sinasabing Barrio Pasong-Timog ay dumaan muna sila ni Apollo sa bahay ni Luna dahil may emergency daw. May kailangan daw itong sabihin sa kanila at may mga babala itong nais ipadala. At ang tinutukoy nito ay ang pag-iba daw ng ikot ng buwan. Astronaut ba ito? Ba't hindi ito magtrabaho sa NASA tutal ay pumikit lang ito at magpatirik ng mata ay nakikita na agad nito ang ikot ng buwan. Teka, umiikot ba ang buwan? Nahahawa na siya sa kabaliwan ng mga taong nakapaligid sa kanya.

"So, anong gagawin namin?" eager na tanong ni Apollo as if isang adventure of once in a lifetime ang pupuntahan nila. Kung alam lang nitong kanina pa siya naiinip sa mga nakikita at nasasaksihan niya.

"Pag-ibig," mayamaya ay wika ni Luna. May pa-mystery effect pa itong nalalaman. Kapag tinatanong mo isang salita lang sinasabi.

"Anong pag-ibig? May iaalay kaming tumitibok na puso?" pakikisakay niya sa mga ito at mukhang tuwang-tuwa si Apollo sa mga nagaganap.

"Kailangan niyong makumbinsi ang Mamay na may namamagitan sa inyong pag-ibig. Pag-ibig ninyong dalawa ang nag-udyok kaya pinagpalit mo si Czarina, Apollo at ang pag-ibig mong iyon ay inialay mo kay Wynona. Sabihin mo sa kanyang pinadala kayo ng buwan para humingi ng tulong na mapawalang-bisa ang sumpa kay Apollo. Nang sa gayon ay mapaniwala niyo siyang biktima lang kayo ng isang pagkakamali, na ang totoo ay kayong dalawa ang nagmamahalan," paliwanag pa ni Luna sa kanilang dalawa.

Tumango-tango lang si Apollo sa bawat sinasabi nito ngunit siya ay gusto na niyang tumalak. Anong pag-ibig ang sinasabi nito? Sila ni Apollo magpapanggap na nag-iibigan para dun sa matandang mangkukulam? No way!

"Pero ang tandaan niyo si Wynona lang ang pwedeng humarap sa kanya," dugtong pa nito.

Kung napapansin ni Luna na namumula na siya sa sobrang galit dahil sa mga naririnig niya mula dito ay wala siyang pakialam. Ang lahat ng sinasabi nito ay isang kabaliwan para sa kanya. Anong uri ng mga tao ang kagaya nito? Ano bang trip nito sa buhay?

Matapos ang ilan pang paalala sa kanilang dalawa ay pinakawalan na din sila sa wakas ng apprentice kuno ng mga mangkukulam na si Luna. Kanina pa niya gustong makaalis doon dahil balak niyang magtalak sa loob ng kotse ni Apollo.

"She's insane, no doubt!" aniya ng magsimula ng umandar ang kotse nito at tinatahak na nila ang Barrio Pasong-Timog. Hindi niya alam kung naka-register ba sa mapa ng Pilipinas ang lugar na iyon.

"Tumigil ka nga tinulungan na nga tayo 'nung tao tapos 'yan pa ang sasabihin mo," saway sa kaniya ni Apollo.

"So? Totoo naman na may pagka-baliw talaga 'yung babae na 'yun. May normal ba na tao na ganoon lang kung magsalita? Wala, diba?" aniya pa.

"She's not normal she's special, mayroon siyang gift na iilan lang ang nakakatanggap," depensa pa nito kay Luna.

"Special child 'kamo," nakaingos na wika niya dito.

"Ba't ka ba galit na galit?"

"Ano ba 'yung pag-ibig, pag-ibig na sinasabi niya? Iba naman ang usapan natin, ah. At bakit may mga ganoon?" naiinis pa niyang wika dito.

Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon