BAGO sila magtungo doon sa konseho ni Binang ay napagdesisyonan na nila ang kanilang gagawin. Magpapanggap siyang sinapian ng tagabantay at idedeklara niyang walang kakayahan si Apollo na makapagpunla ng binhi. Kapag nalaman iyon ng mga taga-lupon ay maaring ma-postpone ang ritwal ng pagpupunla ng binhi. Ang pinangangambahan lamang nila ay kung ano ang magiging desisyon ng mga ito matapos malaman na baog si Apollo.
Konting acting at rehearsal lang ang ginawa niya bago nila isinagawa ang kunwari ay sinapian siya. Ang sabi ni Binang ay posible naman iyon dahil naniniwala ang mga taga-Pasong-Timog na kahit saan at kahit na sino ay pwedeng sumapi ang dakilang tagabantay. Ayon pa dito, ay iyon din ang ginawa ni Lunacresia para makaalis ito ng baryo, alam ni Binang na gawa-gawa lang iyon ng dalaga. Doon sila kumuha ng ideya para mapa-delay ang proseso ng ritwal. Ayon kasi dito kapag nagsimula na ang pagpupunla ay mahihirapan na silang makaalis. Maaring matatagalan din bago niya makita ulit si Apollo.
Sa kasalukuyan ay nasa kubo pa din sila ni Mamay Sisa nag-iisip ng mga plano kung paano makaalis doon. Ayon kay Binang ay mahihirapan sila dahil ang maaring labasan lamang doon ay ang sa bukana. Mayroon namang posibleng daan ngunit aakyat pa sila sa bundok at marami pang ilog at sapa na pagdadaanan para makapunta sa susunod na baryo. They can't take a risk tonight masyadong delikado at baka may mga armadong nagtatago sa bundok. Kumpirmado din na may mga rebelde nga doong nagtatago dahil base sa mga kwento ni Binang tuwing katapusan ay may bumababa doon. Kumukuha ng suplay sa tribu, may bumabagsak kasi ng pagkain para sa tribu bukod sa sariling ani ng mga ito sa sakahan.
It was a fascinating thought also that all of the tribe members are working hand in hand. Hindi umaasa ang mga ito sa kalalakihan gayong wala namang lalaki sa tribu. Pati si Apollo ay namamangha din sa mga kwento ni Binang tungkol sa tribu. Lahat ng mga trabaho mula sa agrikultura patungo sa gawaing bahay ay ang mga taga-tribu ang gumagawa. Nakikihati din pala sa ani ang mga taga-bundok.
"Hey," untag sa kanya ni Apollo ng makita nitong nakatulala siya sa kawalan. Si Binang ay nakatulog dahil sa paghihintay. Hindi pa din tapos ang meeting ng tribu.
"What?" aniyang tiningnan ito. Bakit sa paglipas ng oras habang magkasama sila ng binata ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya? Nakikita niya sa mukha nito ngayon ang pag-aalala para sa kanya. There was of hint guilt also.
"I'm sorry nadamay ka pa sa mga kamalasan ko," wika nito sa kanya habang matamang nakatitig.
Bakit sa ilang segundong pagtitig niya sa mukha ng binata ay parang dinadala siya sa iba't ibang dimensiyon ng mundo. Parang dinadala siya sa. . . future? Hindi niya alam. Ayaw niyang isipin. Nakakatakot mag-isip basta future na ang topic. No one can hold or predict the future. "Nandito na tayo wala na tayong magagawa at hindi na makakatulong kung magsisihan pa tayo," aniya na lamang dito. Pilit iniignora ang mga damdaming nais kumawala mula sa kanya. Bakit gusto niyang haplusin ang mukha nito?
No way! Ano ba ang pinag-iisip mo Wynona?
Wala sa loob ginagap nito ang kanyang kamay. Na ikinabigla niya kaya naman hindi niya alam kung paano magre-react. "When we get out in here I want to make it up to you. Marami na akong utang sa iyo dahil tuwing nagkikita tayo ay halos kamalasan ang bigay ko sa'yo. Malas yata ako sa buhay mo, noh?" anito ngunit wala doon ang isip niya. Ang isip niya ay nasa kamay nito na hawak ang kamay niya.
Hindi na lang simpleng pagtibok ang nangyayari sa puso niya ngayon, sumesirko na ito sa loob ng dibdib niya. "B-baka nagkataon lang," nauutal niyang wika dito at binawi ang kamay niya. Hindi kasi talaga siya komportable na magkahawak ang kamay nila.
Shit, Apollo hindi na maganda 'to. Pinapangarap na kita ngayon, anang isipan niya.
"You said we're married, right?" anito at bahagya siyang siniko. "Akala ko ba hindi mo gusto iyang pag-ibig-pag-ibig na 'yan."
BINABASA MO ANG
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)
Romance"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang g...