TINANAW na lamang ni Apollo ang papalayong si Wynona na nakababa na mula sa kanyang kotse. Tulad ng papalayo nitong mga hakbang mula sa kanya alam niyang doon na din magtatapos ang pahina ng buhay niya kasama ito.
Noong iwan niya si Wynona at pinili niyang ayusin ang pamilya niya ay 'ni minsang hindi ito nawala sa kanyang puso. For him Wynona was his first real love, dito niya naramdaman ang mga bagay na noon ay hindi niya naramdaman sa ibang mga babae na nakasama niya. Dahil din kay Wynona kaya inayos niya ang kanyang buhay. At siguro ay patutuloy pa din siyang mabubuhay dahil dito. Iniisip na lamang niyang para sa ikabubuti ni Wynona ang mga bagay na ginawa niya kahit pa nasaktan niya.
Nang malaman niyang engaged na ito kay Ethan—nalaman niya mula kay Drabe ang balita—ay gusto niyang maghanap ng pagkakataon na baka maari pa niyang makuha si Wynona. Pero habang nag-uusap sila ay nagbago ang isip niya. Mas nanaig ang isang bagay sa isip niya, ang tapusin na ang kung ano man ang nangyari sa kanila noon. Anong karapatan niyang agawin ito kay Ethan gayong ang binata ang naging gabay ni Wynona ng iwan niya ito. Stop of being selfish. Kailangan niyang magparaya.
Wynona was the only original in his fake world. Dahil pilit siyang nakipagkompetensiya noon sa pamantayan ng lipunan, pilit niyang pinapasok ang buhay ng kinilala niyang ina at nakalimutan na niya ang sarili niya. Kaya ng mahalin niya si Wynona ay pinilit din niyang maging perpekto dito at nakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya minahal ng dalaga. His flaws, his imperfection and the real him, iyon ang minahal ni Wynona. Hindi ang isang Prince Charming na pilit niyang hinuhulma sa pagkatao niya.
"Kung pwede ko lang itama ang mga maling akala ko noon," aniya sa dalaga habang patungo sila sa bahay nito.
"Kahit magsisi ka pa ng ilang ulit hindi na natin mababago ang lahat. Siguro ay hindi tayo para sa isa't isa," anang dalaga sa kanya.
Hinawakan niya nag kamay nito dahil iyon lamang ang paraan para malaman niyang sa mga huling sandali na magkasama sila ay totoong Wynona ang katabi niya. Kung sana naging mas totoo siya at naging matapang hindi sana siya magkakasya lamang sa mga iilang sandali kasama ito. Tulad ng mga pagkakataong iyon kung saan ihahatid na niya si Wynona sa bahay ng mga ito. It would be his last chance to be with her dahil ikakasal na ito.
"Iilang minuto na lang at bibitiwan ko na ang mga kamay mo,"sabi niya dito at mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay nito. Ang mga kamay nitong kayang hawakan ang buong buhay niya. Ngunit ngayon ay pakakawalan na niya at hahayaang hawakan ang mundo ng iba.
"I-ilang minuto na lang din at pakakawalan mo na ako," anitong bigla ay gumaralgal ang boses. "Noong pinakawalan mo ako walang kasingsakit ngunit umaasa pa ako na sana, sana isang araw dumating ka at muling kunin ang mga kamay na ito upang hawakan ulit ang mundo mo. But you never came back, hinayaan mong, hayaan ko ang ibang tao na kunin ang kamay na ito," saad nito sa kanyang umiyak na.
"I love you Wynona pero siguro ay hanggang dito na lamang ang lahat," at tumigil na ang kotse niya tanda na nakarating na sila sa bahay nito.
Tumango ito sa kanya at kinuha ang mga kamay nito. Pinahid nito ang mga luha at nginitian siya ngunit hindi iyon kasingsigla ng mga ngiti nito noon. Ngiti lamang iyon ng pamamalaam at pagtatapos sa pagitan nila.
Nang tuluyan ng makalabas si Wynona ay biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya namalayang umiyak na pala siya.
Habang nasa daan si Apollo patungo sa bagong bahay ng kanyang ina—kung saan may personal nurse na itong kinuha niya—ay sinusubukan niya ang sarili niyang maging masaya para kay Wynona. Wala naman siyang kayang isipin ng mga sandaling iyon kundi ang kaligayahan nito. Dahil kapag nagmahal ka kahit talo pa, wala kang iisipin kundi ang kaligayahan 'nung taong minahal mo. Magkakasya na lamang siguro siya sa mga alaala niya sa nakaraan kasama ang babaeng minahal niya.
BINABASA MO ANG
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)
Romance"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang g...