SA Club Drabe nga sila ni Ethan dumiretso matapos siyang sunduin ng binata sa bahay nila. Ethan was gentleman enough para ipaalam sa kaniyang mga magulang na magkasintahan na sila, na-meet naman din niya ang mommy nito ngunit hindi niya alam kung sang-ayon ito o hindi. Poker face lang ito ng ipakilala siya ng kasintahan sa matandang babae.
May nakalagay na 'reserve' sa pinto ng club, ibig sabihin ay para lang talaga sa magpipinsan ang club ng gabing iyon. Nang tuluyan na silang pumasok ay sinalubong sila ng maingay na tugtog at mga nagsasayaw na ilaw. It was crowed inside, marami palang bisita ang pinsan ni Ethan na ngayon ang iba ay nagsasayawan na. Medyo nahuli na kasi sila ng dating. Naging malikot ang kanyang mata sa bawat taong nandodoon, may munting puso kasi na umaasa na baka makita si Apollo ng sandaling iyon. Pero binigo lamang siya ng kanyang isip. Nagtungo sila sa mesa kung saan nandoon ang ibang pinsan ni Ethan, isa-isa siyang pinakilala ng kasintahan sa bawat nakaupo doon. Mabuti naman ang pakikitungo ng mga ito sa kanya ngunit hindi niya maiwasan ang hindi pa rin mailang.
They just sitted their, tahimik lamang niyang pinanonood ang mga taong nandoon. Puro sayawan lang naman ang ginawa ng mga ito at tila bumaha ng alak. Siya isang ladies drink lamang ang binigay sa kanya ni Ethan. Magiliw naman na nagku-kuwentuhan ang magpipinsan ng mayamaya ay tumigil ang pagtugtog. Sa tila stage sa loob ng bar ni Drabe ay nakita niyang nakatayo doon si Francis kasama ang fianceé nito na anak ng isang pulitiko.
"Tonight I will officially announce to everyone that this girl beside me, is my fiancée. Noong nakaraang linggo she accepts my proposal ang party po na ito ay handog namin sa lahat ng mga kakilala namin at mga kaibigan. Kaya ngayong gabi po let's all enjoy at ako po ang bahala sa lahat ng inumin." Itinaas pa ni Francis ang hawak na baso at sumigaw ng cheers ang lagat ng mga nandoon. Kasunod ng sigaw na iyon ay pagisgaw din ng ilang kaibigan ng binata ng 'kiss' na sinunod naman ng dalawa.
They looked sweet at kung paiiralin lang niya ang pagiging inggtera niya ay naiinggit talaga siya. Ganoon pa din kasi ang dilemma niya hanggang ngayon ang paghahanap sa 'the one'. Pero ngayon ay may specific na lalaki sa isip niya. Si Apollo, pero pilit niya iyong winawaglit sa isip dahil unfair para kay Ethan. Ito ang boyfriend niya pero ibang lalaki ang iniisip niya.
Naramdaman niyang ginagap ni Ethan ang kamay niya. Walang effect, parang natural lang. Nag-focus na lamang si Wynona sa bandang tumutugtog na ngayon sa loob ng bar. Pansamantala munang itinigil ang sayawan at napalitan iyon ng mga acoustic music. The party goes on and on, pero siya lutang pa din at panaka-naka ay kinakausap siya ni Ethan at sumasagot naman siya ngunit parang nandoon siya na wala.
Tumigil ang banda at may sinasabi ang mga ito. Kung sino daw ang gustong kumanta doon at free daw ang jamming kahit anong kanta. May mga nag-volunteer naman.
"Do you want me to sing?" natatawang wika sa kanya ni Ethan mayamaya. 'Mukhang wala ka sa sarili mo," anito pa sa kanya.
Palagi naman, gusto sana niyang sabihin ngunit pinigilan niya ang sarili. "W-wala 'to. Marunong ka ba talagang kumanta? Baka umulan," biro niya dito.
"Ahem, baka marinig mo ang boses ko at magmakaawa ka sa akin na angkinin kita ora mismo," biro din nito sa kanya.
"Over ka ha, sige nga pakita mo nga ang galing mo." aniya dito at bahagya itong intinulak.
"Just wait me here," nagpunta ito sa stage at nakita niyang bumulong ito sa isang lalaki na parang miyembro ng banda.
Tumango-tango sa kanya si Ethan matapos nitong kausapin ang lalaki. Pero hindi pa makakanta ang binata dahil may kumakanta pa kaya kailangan pa nilang maghintay na matapos ang kumakanta.
BINABASA MO ANG
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)
Romance"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang g...