FUCK shit! Mura ni Apollo sa isip ng patayin ni Czarina ang tawag niya dito. Nagsasalita pa siya ngunit pinatayan na siya ng kasintahan ng cellphone. Kung hindi ba naman—
"Sir Apollo kanina pa po tumatawag ang daddy niyo at dapat within twenty-five minutes ay nasa office na po daw kayo," naputol ang anumang iisipin niya ng bigla na lamang sumungaw ang ulo ng kanilang katulong.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" singhal niya sa bagong katulong na si Delilah.
"Bilisan niyo na po sir dahil baka ma-late kayo, lagot daw po kayo sa kanya mamaya kapag nahuli kayo ng dating," anito at bigla ay nawala ang walang modong katulong na hindi man lang pinansin ang galit niya. Immune na siguro sa mga singhal niya.
"Damn it!" naiinis na ibinato niya sa pinto ng kanyang silid ang kanyang cellphone.
Wala siyang pakialam kung masira man iyon dahil kayang-kaya niyang bumili ng ganoong uri ng cellphone kahit sampu pa. All he care about this day is how to clean up every mess he made with Czarina.
Nahuli lang naman siya ng girlfriend—ulit—na may kasamang babae sa condo niya. It was Patricia an old collegue na hindi niya mapahindaan dahil mabait sa kanya at magaling naman talaga. Patrcia drive him insane at kahit ayaw niyang makipagtalik dito ng gabing iyon ay nagawa siyang pilitin ng dalaga. No strings attached naman ang nangyari sa kanila at parang 'goodbye sex'—if there was such thing—na nila iyon dahil hindi na sila magkikitang dalawa. Aalis na ito at magtutungo ng Colorado para sumama sa pamilya nito.
Pero anak ng kamalasan—dumating si Czarina sa kanyang unit at balak siyang sorpresahin para sa seventh monthsary nila ngunit mas ito ang nasorpresa ng makita si Pat na roba lang ang suot. Nakalimutan din niyang monthsary nila—usually kasi ang mga nakarelasyon niya ay hindi umaabot ng buwan kaya naman hindi siya sanay sa monthsary—ng araw na iyon. Si Czarina na ang pinakamatagal niyang girlfriend sa buong buhay niya and he thinks that Czarina would be the girl he wants to marry.
Why not? Si Czarina lang ang tumatanggi sa kanya pagdating sa pakikitaglik, so far ay hanggang kiss lang sila, ito lang din ang nakilala ng kanyang magulang at boto ang mga ito, si Czarina hindi rin nagger (pero lately napapansin na niyang possessive ito) at higit sa lahat galing sa isang respetadong pamilya. May tatlo itong tiyahin na madre kaya tuwing linggo ay na-o-obliga siyang magsimba, Czarina was the girl he usually don't go for a date. Ang mga katulad kasi nito ay mahirap arukin, masyadong conservative. Siya pa naman ang uri ng tao na hindi nakakapaghintay ng matagal. Pero kay Czarina lang din siya tumino at tumigil sa pambabae. Pag sinabi niyang tumino siya ay hindi na siya gaanong lumalabas kasama ang ibang babae. Dati every week ay iba ang babae niya pero simula ng maging sila ni Czarin ay twice a month na lang siya may babae. Faithful na siya sa lagay na 'yun.
This whole life is a mess, aniya sa isip ng maalala ang mukha ni Czarina ng makita silang dalawa ni Patricia.
Nakilala niya si Czarina through common friends' ng dumalo ang dalaga sa isang sports event na nilahokan niya. Attracted siya agad dito ng unang kita niya palang dahil sa maamo at maganda nitong mukha, nevertheless her sexy body na isang malaking bonus. Nagtatrabaho ito sa isang TV Network bilang writer ng kung ano-anong show, samantalang siya naman ay professional bum. Mas gusto niya ang drag racing, mountain climbing, paragliding at kung ano-ano pang buwis-buhay na sports. He hates office, boring ang tingin niya doon at isa pa kahit nagtapos siya ng MA sa business ay wala talaga siyang hilig doon. Ang daddy lang niya ang mapilit.
And speaking of his dad, kinukulit na siya nito na magsimula ng magtrabaho sa N&G dahil gusto na nitong mag-retire. Actually, nagre-tire na ito last week at siya na ang papalit sa pwesto nito bilang Chairman ng kanilang kompanya. At ngayon sana ang first day niya sa kanilang kompanya dahil mag-a-undergo na siya ng training sa iba't ibang department. Paraan iyon ng ama niya para mas madali niyang matutunan ang bawat proseso sa N&G. Ang kanilang kompanya ay kilala sa paggawa ng mga detergent bar, shampoo, soap, dishwashing liquids at kung ano-ano pang mga ginagamit sa loob ng bahay mula sa paglalaba, pagligo at hanggang sa paghuhugas ng pinggan. Hindi biro ang patakbuhin ang multi-milyong kompanya, kaya nga magte-training siya ng limang buwan bago maging official na chairman. And he was fucking mad about it. Hindi ito ang gusto niya, hindi ito ang buhay na gusto niya ngunit no choice siya. Dagdag pa ngayon sa problema niya ang away nila ni Czarina.
BINABASA MO ANG
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)
Romance"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang g...