MASAYA si Gummy ng mga sandaling iyon dahil nakita niyang masaya ang kaibigan niyang si Wynona. Mabuti pa ito nakita na nito ang pag-ibig nitong matagal nittong hinintay at inasam.
Ako kaya kailan ko mararanasan ang ganitong pakiramdam? Ang maging masaya at magmahal ng walang alinlangan?
Malungkot ang buhay niya. Nakikitawa lang siya sa tawa ng iba, nakikiiyak sa kwento ng iba, nakiki-kilig sa love story ng iba. Dahil siya kahit may sarili siyang kwento she never enjoyed it. She never enjoyed her own love story. Dahil kahit gusto man niyang maging maligaya sa piling ng taong minahal niya ay nahihirapan siya. Dahil kahit mismo sarili niya ay hindi niya magawang paligayahin. Ganoon kasaklap ang kwento niya. Hindi niya alam kung magkakaroon pa siya ng pagkakataon na maikwento sa iba ang kwento niya.
For the meantime, makiki-join muna siya sa kwento ng iba.
---Wakas---
Author's Note:
Kung gusto po ninyo mabasa ang story ni Gummy at Candy available po siya sa lahat ng PPC bookstore at NBS :)
BINABASA MO ANG
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)
Romance"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang g...