Chapter Eleven

3.9K 70 0
                                    


PAIKA-IKA kung maglakad si Wynona dahil masakit ang kanyang sakong ngunit tiniis niya iyon. Nahihiya na siyang magpabuhat kay Apollo dahil alam niyang pareho silang walang sapat na lakas. Tumila na ang ulan at sa tantiya niya ay mga bandang alas-singko na ng umaga. Nakaidlip silang dalawa at ng magising sila ay may kaunting sikat na ng araw at wala ng ulan. Dali-dali silang umalis mula sa kinaroroonan nila at hinanap ang walang kasiguraduhang daan patungo sa bayan.

"Hey,mayroong papaya dito," tawag sa kanya ni Apollo. Nauna kasi ito sa paglalakad dahil maghahanap ito ng makakain nila sa umagang iyon.

"Paano mo kukunin 'yan?" tanong niya dito. Hindi na sila nangangambang pareho na baka mahabol sila ng mga rebelde dahil mukhang malayo na sila sa kuta ng mga ito. Pero hindi pa din naman sila lubusang nakakampante.

Nakita niyang sinubukan ni Apollo na akyatan ang puno ng papaya. Hindi niya napigilan ang sarili niyang hindi mapangiti dahil sa nakikita niya. Walang suot na pang-itaas na damit ang binata at ang suot nitong maong na pantalon ay hanggang tuhod dahil itinupi nito at ang damit niya ay nasa ulo nito itinali. Suot naman niya ang tuyong damit nito. He was like a king of the jungle. Balak naman niyang maging reyna ng kagubatan kung ito ang hari.

"Here pantawid gutom," anito sa kanyang nakababa na at ibinagay ang hinati nitong papaya. Sa pamamagitan lang ng mga kamay nito biniyak iyon. Maliit lang naman na variety ng papaya iyon at hinog na hinog pa.

Sinimulan nilang kainin ni Apollo ang hinog na papaya. Hindi naman masama ang lasa tulad ng inaasahan niya. Matamis iyon at malinamnam. Hindi niya mapigilang sulyapan ang binata at ng mga sandaling iyon. Parang hindi ito ang anak ng may-ari ng multi-milyon na kompanya. Nang mga sandaling iyon he was just Apollo, the guy who promised to her last night that he will love her. And her heart, even though there are so many doubts chooses to believe all his promises. After all nakilala din naman niya ang ibang bahagi ng pagkatao nito. Normal lang din naman ang binata tulad ng iba.

"Paano mo pala nabuo ang plano mong pagtakas natin?" tanong niya dito mayamaya. Dahil sa mg love declarations nito kagabi ay hindi niya naisingit ang mga ganoong katanungan dito. Ayaw din naman niyang sirain ang momentum sa pagitan nila.

"Remember that time na inakala mong ahas ang lubid na na pumulupot sa paa mo sa talon?" pagpapaalala sa kanya ng binata.

"Shit, ahas!" sigaw niya at nagtungo sa pampang mabilis ang tibok ng kanyang puso dahil parang may biglang pumulupot sa kanyang paa.

Agad namang lumapit sina Jocelyn at Apollo sa kanya. Itinaas ni Jocelyn ang inakala niyang ahas. "Lubid 'to gaga, mga naiwang gamit noon ng mga nagkakaingin dito sa bukid. Itinapon nila dito ng harangin sila ng DENR," ani Jocelyn sa kanya.

"Kinuha ko ang lubid na iyon at nabigla ako ng makita kong mahaba pala. Nang makita ko ang pampang at ang mahabang lubid ay naisip kong pwede kong magamit iyon para sa pagtakas nating dalawa. All I have to do is to secure what's under the cliff at iyon nga ang ginawa ko ng makakita ako ng pagkakataon." Anang binata sa kanya.

Naalala din niya ng isang gabi na naalimpungatan siya. Nakita niya si Apollo na tila humahangos sa kinauupuan nito sa papag. May mga dahon ito sa ulo at halos basang-basa ng pawis.

"Anong nangyari sa'yo?"

"A-ahm, bad dreams. Nananginip lang ako na hinahabol daw ako ng malaking aso," wika nito. "Let's sleep again I'm sorry if I wake you up," saad pa nito kaya hindi na siya nagtanong pa ulit. Natulog na lang ulit siya.

Iyon pala ay nanggaling na ito sa baba ng pampang ng gabing iyon. "Pero paano ka nakadaan sa dingding na kawayan? Mukhang matibay naman iyon?"

"Ang haligi lang niya lang ang matibay, pero ang mga dingding ay mukhang matibay lang. Luma na ang kubo at wala sigurong budget ang mga rebelde para ayusin iyon. Kaunting tulak lang ay natanggal ko na hanggang sa makagawa ako ng daanan na kasya lang ang sarili ko," anito pa sa kanya na tila proud sa ginawa nito.

But she was proud of him anyway. Pwede namang tumakas lang ang binata ng mag-isa ng gabing masiguro nito na ligtas naman ang ilalim ng pampang ngunit binalikan pa siya nito. She was flattered again.

Bigla ay natigilan silang dalawa ng makarinig ng mga ingay. Dali-daling nakubli sila sa malaking puno para magtago. Sa tingin niya ay malayo-layo na din ang naabot nila at mukhang malayo na din sila sa kuta ng mga rebelde. Ang ingay ng talon ang naging basehan kung nakalayo na nga ba sila. Ang talon lang naman ang maaring maging palatandaan na malapit pa sila sa kuta ng mga ito.

Ang ingay na kanina ay naririnig nila ay unti-unting lumalapit patungo sa inaroroonan nila. Nagkatinginan silang dalawa ni Apollo ng makompirmang mga bata ang may gawa ng ingay na iyon. Mga tatlo hanggang apat na boses ang narinig nila.

"Siguro ay malapit na tayo sa mga kabahayan, makakahingi na tayo ng tulong," puno ng antisipasyong wika niya.

Sinilip muna ni Apollo ang mga batang tila nangangahoy. Mayamaya ay lumabas ito.

"Sino kayo?" dinig niyang tanong ng mga bata.

"We're trapped in here, we need help," ani Apollo at siya ay lumabas naman mula sa likuran nito. Tumambad sa kanya ang apat na batang lalaki na halos magkasing-katawan.

"N-naligaw lang kami dito, hindi namin alam ang daan pabalik," wika niya. Kailangan muna nilang magsinungaling dahil hindi sila nakakasiguro kung sino ang mga batang ito.

Mukhang naniwala naman ang mga bata. Ang matangkad na batang lalaki na mukhang lider ng mga ito ang nagsalita. "Sa kabilang panig ng bundok ay Pasong-Timog ngunit ang pababa dito ay San Roque. Mayroong terminal doon pabalik sa pinaka-bayan," anito sa kanila.

They felt relieved sa sinabi ng mga bata. "Malapit na lang ba dito ang sinasabi mong San Roque?" tanong pa niya dito.

"Dumiretso lang po kayo ng pagbaba dito," itinuro nito ang tila isang daan sa kaliwa. "May makikita po kayong bahay ni Tata Segundo diyan maari po kayong magtanong sa kanya dahil tanod po siya sa purok namin at nangangalaga din dito sa gubat." Dagdag pa ng bata.

"Salamat sa inyo mga utoy," pasalamat niya sa mga bata at kahit paano ay tila naging magaan ang pakiramdam niya.

"Thanks buddy," at isa-isang tinapik ni Apollo ang mga bata sa balikat.

Lumapit si Apollo sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. Bigla ay natigilan si Apollo at niyakap siya. "We're heading home sweetheart, we will finally home." Puno ng galak na wika nito.

Gumanti siya ng yakap sa binata. "Yes, Apollo we will be home." Hindi niya napigilang mapaluha dahil sa binigkas niyang salita. Home. A shelter of happiness and a sweet haven. Lahat ng tao ay naghahangad na makauwi sa kanilang tahanan dahil doon matatagpuan ang walang katumbas na kaligayahan at katahimikan.

At sa tingin ni Wynona sa kanilang paglalakbay na iyon ay kapwa na nila natagpuan ang kanilang bagong tahanan. Ang isa't isa. Magkahawak pa din ang kanilang mga kamay na binabagtas ang daan pababa. Sa isip niya ito na ba ang fairytale na hinahanap niya? Kasama ang tamang lalaki na binigay sa kanya.

Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon