Chapter Ten

4.5K 72 1
                                    


BIGLA ay naging malakas ang buhos ng ulan habang naglalakad sina Apollo at Wynona sa tila walang katapusang kakahuyan sa bundok na iyon. Hindi nila alam kung saan sila sisilong sapagkat napakadilim sa bahaging iyon ng gubat. Naging lakad-takbo ang kanilang ginawa upang hindi tuluyang mabasa sa biglang pagbuhos ng ulan. Naging problema pa nila ang pagsalubong nila sa malamig na pagdampi ng hangin.

"Kweba ba 'yun?" turo ni Apollo mula sa di-kalayuan.

"N-naku huwag na tayong pumunta doon baka may mga ahas o di-kaya ay mga di-kilalang insekto," protesta niya dahil mukhang balak ni Apollo na doon sila magtungo pansamantala.

"We have to check it kaysa naman tuluyan tayong mabasa ng ulan mukhang matagal pa bago sumikat ang araw," anito sa kanya. Hindi nila matantiya kung anong oras na dahil mas lalong dumilim ang kapaligiran dahil sa ulan.

Kung iisipin ay mas pabor sa kanila ni Apollo ang ulan sapagkat hindi na makakababa mula sa talampas ang mga rebelde upang hanapin sila. Magiging sagabal sa mga ito ang ulan. Ang problema na lamang nila ay ang kanilang masisilungan. Hindi niya alam kung sagot sa problema nila ang kweba. Pero sa sitwasyon nga nila Apollo ngayon ay hindi na siya pwedeng mag-inarte. Lahat na maaring makatulong sa kanilang pagtakas para maka-survive sila ay kailangan nilang subukan.

Nagpatiuna si Apollo sa pagpunta doon kaya naman sumunod siya. Hindi niya napansin ang nakausling ugat mula sa malaking puno kaya naman natisod siya at nadapa. "Shit!" hiyaw niya at nakita niyang napalingon si Apollo.

Muli ay nilapitan siya nito. "Hey, be careful," anito sa kanya ng makalapit na.

"Ouch, masakit ang paa ko," hiyaw niya ng subukan niya kasing itukod iyon para tumayo ay nakaramdam siya ng sakit. Kahit na ng alalayan siya ni Apollo ay hindi niya pa din gumawang tumayo.

He offered his back. "Sampa na, bubuhatin kita," anito sa kanya.

Wala na siyang time na mag-hesitate kaya naman sumampa na siya agad. Nadama niya ang init na nagmumula sa katawan niton. Basang-basa na din sila dahil sa ulan. "Hindi na ba masakit ang likod mo?" tukoy niya sa likod nitong tumama sa lupa ng mahulog ito.

"Masakit naman, pero mukhang mas masakit ang paa mo. Hindi ko naman matiis na makita kang nasasaktan habang naglalakad," anito sa kanya at hindi niya napigilang hindi mapangiti. Parang may kung anong humaplos mula sa puso niya.

Nakarating sila sa kwebang sinabi nito. Ngunit mukhang hindi naman iyon kuweba dahil parang mataas na bahagi lang iyon ng lupa na binutas ng malaki. Kakasya nga lamang silang dalawa kapag nakabaluktot. Hula niya ay gagawin siguro sana iyong minahan ngunit hindi natuloy. May ilang gamit kasing naiwan doon tulad ng malaking pala na basta na lang iniwan.

"Umisod ka pa dito," wika nito sa kanya dahil may ilang pulgada ang layo nila sa isa't isa. Nanginginig ang kanyang mga labi dahil sa sobrang lamig na nararamdaman.

"Huh?" tiningnan niya ito at tila nagtatanong dito.

"Kailangan natin ang init ng isa't isa," anito at napangisi sa kanya. Sa halip na siya ang umisod ay ito na lang ang umisod patungo sa kanya. "Malamig kasi, eh." Sabi nito at bahagyang ikiniskis ang braso nito sa kanyang braso.

Pareho silang napatigil sa ginawa nito. Siguro ay parehong naramdaman nila ang kakaibang sensasyon na dulot ng padidikit ng kanilang balat. Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata. Napatingin siya sa mga labi nito at iyon din ang ginawa ng binata. Nakatingin din ito sa kanyang labi. Before she knew it, unti-unti ay lumapit ang mukha nito sa kanya at napapikit siya. Nagtagpo ang kanilang mga labi. Sa una ay hindi niya alam ang gagawin but Apollo was very patient. He guided her until both of them become a pro. Ilang minuto silang ganoon at tumitigil lang sila para sumagap ng hangin. It was her first time to be kissed. And what they say was true, first kiss are the sweetest. Wala naman kasi siyang maaring pagkomparahan ng halik nito kaya iyon ang pinakamatamis.

Misadventures of My Ever After (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon