Chapter 1

17.6K 180 0
                                    

Note: This is the raw and unedited version.

THE DAY WE MET

By: Saab de Andrade

Teaser:

Ava is so lucky to have a boy-friend like Cleon Ravara. Yes, a boy-friend, literally. As in lalaking kaibigan. Si Cleon lang naman ang lalaking hahanap-hanapin ng lahat ng babae sa mundo. Gwapo, mayaman at higit sa lahat ay may mabuting puso. Kaya naman ang puso ni Ava ay hindi napigilang ma-inlove sa kaibigan. Pero kagaya nga ng sinasabi ng ilan ay na-experienced rin niya ang pinakamasakit na salita ng lahat ng sawi sa pag-ibig sa kaibigan... FRIENDZONED.

Pero kung inakala niyang friendzoned forever siya ay nagkakamali siya. Dahil wala nang sasaya pa sa kanya nang aminin ni Cleon na matagal na rin siyang mahal nito. From friendzoned, he was turned out to be her real boyfriend. Cleon made her the happiest woman on earth.

But Ava was too blinded by the happiness in her heart. To the extent that she forgot that there is no perfect relationship. Because in the first place, perfect never existed.


CHAPTER ONE

AVA stretched out her arms with a wide smile from her lips. Pauwi na siya mula sa trabaho. Nakakapagod ang buong araw niya pero masaya siya dahil mahal niya ang trabaho. She's working as an accounting manager in one of the largest manufacturers of signature bags in the country, ang Snow Bags Incorporated.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at nag-abang ng taxi. Pero natigilan siya nang may isang kotse na bumusina at huminto sa harapan niya. Napangiti siya ng lihim, kilala niya ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon.

Inihanda niya ang matamis na ngiti nang bumaba ang bintana ng kotse at tumambad sa kanya ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya.

He smiled at her. Gosh! His smile is so charming.

Nalaglag na yata ang puso niya sa ngiti nitong umaabot hanggang sa mga mata. She really loves his pair of deep-set brown eyes. Na kapag titingin sa kanya ay nagpapabilis ng tibok ng puso niya.

His thin sexy lips can always make her shiver inside. Minasdan niya ang buong mukha nito, natural na mamula-mula ang pisngi nito. Matangos ang ilong. Malalaki ang mga braso at malapad ang dibdib. His physical appearance is perfect. Kaya naman napakaraming nagkaka-crush sa binata.

And this handsome man is none other than Cleon Ravara, the sole heir of Snow Bags Incorporated who happens to be her boss and close friend too.

"Come, ihahatid na kita pauwi," nakangiting sabi nito.

Gumanti siya ng matamis na ngiti. Hindi iyon ang unang beses na inihatid siya pauwi ng bahay.

"Cleon let's go I'm already starving!"

Nabura ang matamis niyang ngiti nang marinig ang nayayamot na boses na iyon. Saka lang niya napansin na may nakasakay sa passenger's seat. Si Glaiza, na nahuli pa niyang inirapan siya. Kababata at kinakapatid ito ni Cleon. At noon pa man ay hayag na ang pagpapakita ni Glaiza ng disgusto sa kanya. Hindi na lang niya ito pinapansin.

Tumikhim siya at ibinalik ang tingin kay Cleon. Ngumiti siya. "Sige na Cleon, magta-taxi na lang ako."

"No!" kunot-noong sabi ng binata. "Gabi na Ava," pagalit na dugtong nito. "Sumakay ka na. I want to make sure that you return to home safely."

Hinaplos ang puso niya sa narinig. "Okay boss!" pagsuko niya. Hindi na siya kumontra pa at sumakay na sa back seat.

"Kumain ka na ba Ava?" masuyong tanong ni Cleon habang umaandar ang kotse.

The Day We Met (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon