CHAPTER TEN
"THERE!" Inayos ni Cleon ang turban ni Glaiza habang magkatabi silang nakaupo sa couch sa loob ng mansion. Ngumiti siya. "You're beautiful."
Gumanti ito ng matamis na ngiti. "Thank you."
Natigilan siya nang maramdamang hinawakan ni Glaiza ang kamay niya.
Maputla pa rin ang mukha ni Glaiza. Pero natutuwa siya dahil maganda ang resulta ng treatment nito. Abot-abot ang dalangin niya at ng pamilya nila na sana ay maka-survive si Glaiza sa sakit nito.
Tumingin ito sa kanya. "S-Salamat ng marami Cleon," garalgal ang tinig na sambit nito. "Salamat at hindi mo ako iniwan." Namamasa ang mga mata nito habang nakangiti. Pero hindi aabot sa mga mata nito ang ngiting iyon.
Hinuli niya ang kamay nito at hinawakan. "I will never leave you alone Glai... that's because I pro---"
"You promised me," dugtong nito sa sasabihin niya. Natigilan siya rito. Ngumiti ito. "Ginagawa mo ang lahat ng ito hindi dahil... mahal mo ako kagaya ng pagmamahal ko para sa'yo..." Kumislap ang mga mata nito kasabay ng pagtulo ng mga luha. Huminga ito ng malalim. "Kundi dahil nangako ka sa akin," mapait itong ngumiti.
Bumikig ang lalamunan niya. "G-Glai..."
Naramdaman niya ang pagpisil sa kanyang kamay. "Alam ko na mahalaga ako sa'yo dahil mahal mo ako bilang isang kapatid. At habang may buhay pa ako ay palagi akong magpapasalamat sa pag-aalaga mo sa akin." Ngumiti ito pero kaagad ding nagkaroon ng lungkot ang mga mata. "Pero sa kabila ng lahat ng ginawa mo para sa akin ay napakarami kong nagawang kasalanan sa'yo Cleon."
Natigilan siya. "Ano'ng sinasabi mo Glaiza?"
Muling tumulo ang mga luha nito. "Naaalala mo pa ba noong naabutan mo kami ni Ava na nag-aaway sa opisina niya?" Marahan siyang tumango. "Noong araw na iyon ay kinompronta ko si Ava. I even threatened her... na hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya." Nagulat siya sa narinig. Tumingin si Glaiza sa kanya. Huminga ito ng malalim. "Sa sobrang galit ko kay Ava... nasabi ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo. I told her that I love you so much."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Pero walang binabanggit sa kanya si Ava na alam nito ang tungkol roon.
Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Glaiza sa kamay niya.
"Pero hindi sinabi ni Ava sa'yo ang tungkol doon hindi ba? Alam mo ba kung bakit Cleon?" ngumiti ito. "D-Dahil ayaw niyang masaktan ka," garalgal ang tinig na saad nito. Namasa ang mga mata niya sa nalaman. "Dahil alam ni Ava kung gaano mo ako pinapahalagahan bilang isang kapatid."
Lalong napuno ng pagmamahal ang puso niya para kay Ava.
"Cleon... may isa pa akong nagawa at sana ay mapatawad mo ako."
Muli siyang natigilan. "Ano iyon Glaiza? Please tell me."
Humugot ito ng malalim na hininga. "Pinuntahan ko ulit si Ava at... nakiusap ako sa kanya. Nakiusap ako sa kanya na... na iwan ka niya Cleon," muling tumulo ang mga luha ni Glaiza.
"Glai..." gulat na sambit niya. Napapikit siya ng mariin. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ni Glaiza. Tiningnan niya ito. "Kaya pala... kaya pala nakikipaghiwalay sa akin si Ava." Bumitiw siya kay Glaiza at hinilamos ang isang kamay sa mukha. Iyon pala ang dahilan kung bakit nakikipaghiwalay sa kanya si Ava. Ngayon ay alam na niya.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (COMPLETED)
RomanceThis is AVA CLARIDAD story. A sequel from For You I Will.