ASSUNCION INTERNATIONAL AIRPORT..Lumapag ang isang pribadong eroplano na galing Amerika."Welcome home, Mr. Sparrow." Bati ng Flight Attendant sa pasahero.
"Thank you."
"I already called the Restaurant for your meal, Mr. Sparrow. Your car is waiting for you to take you there." Sabi ng Piloto.
"Okay." Tipid na sagot ni Mr. Sparrow.
Agad naman itong lumabas sa pinto ng eroplano at tumambad sa kanya ang sasakyang naghihintay. Dali dali itong bumaba at sinalubong ng driver.
"Good morning Sir." Bati ng driver.
"Good morning. Kumusta Daniel?"
"Ayos naman po."
"Pwede ba, h'wag mo nga akong ma-PO? Mas mabuti pang turingin mo ako tulad ng dating pagkakilala mo sa akin." Untag ni Mr. Sparrow.
Napakamot ng ulo ang driver.
"Sige ikaw ang bahala."
Ngumiti lamang si Mr. Sparrow at sumakay ng sasakyan.
"Kumain ka muna ng almusal mo bago ka umuwi ng bahay ninyo." Kaswal na sinabi ng driver sa amo nito.
"Sige."
Habang tumatakbo ang kotse napapasulyap sa daan si Mr. Sparrow.
"Daniel, kumusta na nga pala si EAVEN? Nakikita mo parin ba?" Tanong ni Mr. Sparrow kay Daniel.
"Opo..S'ya na po ang nagpapatakbo ng isang Restaurant nila dito. Sa katunayan nga po doon ko kayo dadalhin. Madalas po syang pumupunta doon."
"Good."
Mabilis na pinatakbo ng driver ang sasakyan upang marating agad ang restaurant na kanilang pupuntahan. Ilang sandali lang nasa tapat na sila ng restaurant. Bago paman bumaba si Mr. Sparrow ay inayos muna ang sarili. Pinagbuksan ni Daniel ng pinto ang amo nito.
"Ikaw nalang ang pumasok sa loob. Baka kasi makilala nya pa ako." Sabi ni Daniel.
"Ang talas naman ng kanyang memorya kung makikilala ka pa nya."
"Naniniguro lang ako. Mahirap na. Alam mo namang, wala tayong armas na pwedeng panama sa kanya...sa kanyang pamilya." Sabi ni Daniel. Biglang tumawa si Mr. Sparrow.
"Daniel, natatakot ka ba sa kanya? Hindi mo sya dapat katakutan."
"Pero.." Mababakas ang pag-aalala ni Daniel.
" Bumalik ako dito para PAGLARUAN SYA."
Agad pumasok sa loob ng restaurant si Mr. Sparrow. Sinalubong agad sya ng isang waiter at ginayak sa isang mesa. Pagkaupo palang ni Mr. Sparrow dumating din ang mga pagkain. Pinagmasdan nito ang mga pagkain. At nang mailagay na lahat nagsimulang umikot ang kanyang tingin sa paligid. Hanggang...
"Good morning, Ma'am."
Nakita nya na binati ang isang babaeng kapapasok sa loob ng restaurant. Ang babaeng kanyang matagal na pinasusubaybayan. Umayos sya ng upo at sinundan ng tingin ang babae. Halos di nya maikurap ang kanyang mga mata. Nagsimulang tumatakbo sa kanyang isipan sa lahat na nangyari sa kanyang buhay. Napapahigpit ang hawak nya sa tinidor.
"Paliit ng paliit ang masasayang araw mo, Eaven. Nakahanda na lahat kung paano kita paglalaruan ng husto."
Itinuon ni Mr. Sparrow ang kanyang sarili sa pagkain.
-------------------------------------------------------------------
Nang matapos itong kumain ay nagmadali itong tumayo at naglagay ng pera sa mesa. Agad syang lumabas sa restaurant at sumakay sa kanyang kotse. Dahan dahan namang pinaandar ni Daniel ang sasakyan. Hindi paman nakalayo ng husto ang dalawa..
"Sandali." Pinahinto ni Mr. Sparrow ang kotse.
"Daniel bilhan mo sya ng bulaklak at isiksik mo itong note." Utos ni Mr. Sparrow. Tumalima naman agad si Daniel.
"Paki padala ito sa Manager ng restaurant doon sa unahan.."Sabi ni Daniel at nagmadaling umalis. Inihatid naman agad ng delivery boy ang mga bulalak.
"Ma'am may nagpapabigay ng bulaklak sa inyo.." Iniabot ng waiter sa manager ang mga bulaklak..
"Kanino galing ito?" Napaisip ang babae.
Agad nitong binasa ang nakausling note sa gitna ng mga bulaklak.
" HEAVEN MONDRAGON..Your monster is back."
Agad nabitawan ng dalaga ang mga bulaklak. Agad napatingin sa buong paligid.
"Ma'am anong nangyayari sa inyo?" Tanong ng isang waiter.
"Wala." Tipid na sagot ni Heaven.
-------------------------------
AN : Ano kaya ang ugnayan nina Mr. Sparrow at Heaven?