Masayang nag-uusap ang dalawa. Abot tanaw lamang ni Mr. Sparrow si Heaven. Pero umiinit ang kanyang dugo habang napapatingin sa lalaking kaharap ng dalaga.
"Umalis na nga tayo Daniel. Paano nakilala ni Baldr si Heaven? Si Baldr ba ang humahawak ng negosyo ng pamilya OLIMPIA dito sa Assuncion?"
"Oo naman. Kamakailan lang sa s'ya napromote bilang Vice-President ng Kompanya nila."
"Ganun ba. Ang tagal ng panahon na nagtatago silang mag-ina sa apelyidong Olimpia. Mga huwad naman."
"Paano kung magkakainteres si Baldr kay Heaven anong gagawin mo?"
"Hindi pwedeng mangyari 'yan. At kung sakali mang magkakaayos silang dalawa malalaman ko rin. Anong silbi ng BALDADO N'YANG KAIBIGAN kung di ko malalaman ang nangyayari sa buhay n'ya?"
"Kung bakit kasi ayaw mo s'yang tigilan?"
"Hindi pwede. Ayaw ko."
At umalis ang sasakyan ni Mr. Sparrow.
BROOOMMMM
Habang sa loob ng restaurant..
"Mmmmm..busog na busog ako. Ang sarap ng pagkain ninyo dito." Sabi ni Baldr habang hinihimas ang tiyan.
"I'm glad that you like our food." Sabi naman ni Heaven.
"Tataba siguro ang mapapangasawa mo dahil masarap kang magluto." Dagdag na sinabi ni Baldr.
"Hindi naman siguro. " Tipid na sagot ni Heaven.
"Mahilig ka bang mag-night out?"
"I used to hangout at Euphoria. But since I handle the business, I have no time for that anymore."
"How about going out for a date?" Tanong ni Baldr.
"I go for dinner dates with my friends but for special occasions only. Ayaw ko kasing masanay muli ang sarili ko sa labas tuwing gabi." Pagdadahilan ni Heaven.
"Bakit naman?"
"Alam mo namang hindi na ligtas ang paligid natin ngayon."Muling dahilan ni Heaven.
"Isa ka ring Sebastian. Alam ko namang marunong kang protektahan ang sarili mo. Batid ko rin namang lahat kayo na nagmula sa pamilya ng iyong ina ay sinanay sa mga self defense." - si Baldr.
"Oo naman. But as much as possible I don't want to fight with someone. You know, a fight is a confrontation of two or more people compete for dominance and respect. Though backing away from a fight is usually the best option, if you have to fight, then you need to know to defend yourself and how to attack your opponent at the right time. Ang problema lang ay kung mas maliksi ang kalaban mo. When you are in a fight, you can't think anymore. Tuloy tuloy na ang labanan. Itataya mo ang buhay mo na walang kasiguraduhan. Hindi naman ako duwag pero ayaw kong MAKAPATAY NG TAO O DI KAYA MAKAPAG BALDADO NG TAO."
Natawa lamang si Baldr at sinabing..
"Mas maigi yatang magka-syota kana, para kahit hindi mo kailangang lumaban merong dedepensa sa 'yo."
Napataas ang kilay ni Heaven.
"Do you think so?"
"Yup." Agad na sagot ni Baldr.
Humalakhak si Heaven.
"Ayaw ko munang pumasok sa ganung bagay." Sagot ng dalaga.
"Bakit naman? Atat na ang tatay mo."
"Lagi namang umaasa si Papa na ihahatid nya ako sa altar balang araw. Ang sabi ko nga sa kanya darating din kami d'yan. Pinagtutulungan nila ako sa bahay, kasama din nila ang mga kapatid ko. Ang gusto nilang mangyari ay mauuna akong ikasal, para naman sumunod na sina Eagan at Cassini."