Dumiretso sa isang dalampasigan ang ang van na sinasakyan nina Heaven. Doon naghihintay ang isang helicopter na magdadala sa dalaga sa isla kasama ang ilang kasama ni Daniel.
"Kayo na ang bahala pagdating doon. Hindi ako pwedeng pumunta. Kailangan kong manatili dito at makibalita sa mga kilos ng Mondragon."
"Sige." Agad binuhat si Heaven at mabilis na isinakay muli sa naghihintay na helicopter.
Nang masigurado ni Daniel na lumipad papalayo ang Helicopter agad syang bumalik sa van.
"Ihatid mo ako sa bahay. At dumiretso ka sa talyer. Baklasin na ang plate number ng sasakyang 'to at palitan na ang kulay."
"Okay." Sagot ng driver.
BROOOMMMMM
Samantala, halos mataranta ang Chef ng restaurant nang tumawag ng pulis at sa mga kapatid ni Heaven.
"Ano?"
Nabigla ng husto ang ama ni Heaven sa balitang natanggap.
"Papa huminahon kayo, hinahanap na ng mga pulis ang sasakyang ginamit kanina ng mga kidnapper. Nakuha po ang plate number. Kasalukuyang hinahanap ang nagmamay-ari ng sasakyan." Pinaalam ni Eagan.
"Ano bang nangyayari at bakit dinukot ulit si Heaven?" Napapatanong na ang ama ng dalaga.
Maya-maya dumating si Akang sa bahay ng mga Mondragon. Na ngayon ay napapalibutan ng mga pulis.
"Sir!! Sir!" Mangiyak -ngiyak si Akang nang dumating ito sa bahay ng mga magulang ni Heaven.
"Akang bakit?" Nagtataka si Cassini nang makita si Akang na tila wala sa sarili.
"Sir..si Ma'am po dinukot. Sir, kilala ko po ang taong pwedeng gumawa ng bagay na 'yon." Sinumbong agad ni Akang.
"Anong pinagsasabi mo?" Hinawakan agad ni Cassini ang balikat ng katulong ni Heaven.
"Sir, ang tigas po kasi ng ulo ni Ma'am. Ayaw nyang ipaalam sa inyo. Meron pong taong sumusunod sa kanya." Dagdag na sinabi ni Akang.
"Sino?"
"Sir, meron pong Stalker si Ma'am Heaven. Matagal na po n'yang ayaw ipaalam sa inyo. Natatakot po kasi s'yang baka kayo ang pagbalingan ng stalker." Sumbong ni Akang.
Agad tinawag ni Cassini sina Eagan at ang mga magulang nito kasama ang isang pulis. Agad kinunan ng detalye si Akang.
"Matagal n'ya na pong stalker 'yong taong 'yon. Nagpapadala pa nga ng mga bulaklak at sulat para kay Ma'am. Para bang nanliligaw sa kanya. Eh kaso, hindi pinapansin ni Ma'am. Tapos biglang nawala naman 'yong Stalker. Ilang taon ding nawala 'yong stalker. Inisip ko na nga marahil napagod na sa kakasuyo kay Ma'am. Maging ang mga tauhan sa restaurant ay nakakaalam sa stalker ni Ma'am. Pero kamakailan lang, muling bumalik 'yong stalker. Tapos parang nagbabanta na kay Ma'am Heaven. Hindi naman pinapakita ni Ma'am sa akin ang sulat. Minsan pinagsabihan ko na nga sya na sabihin sa inyo at ireport sa pulis pero ayaw ni Ma'am. Inisip din nya kasi baka reresbakan kayo. Siguro mas nais ni Ma'am na haraping mag-isa 'yong stalker nya kesa madamay kayo."
"Damn! Bakit hindi mo sa amin sinabi agad?" Napasermon si Eagan.
"Eh, Sir ayaw nga n'yang iparating sa inyo. Tsaka po natatakot ako baka anong gawin ng biglaan kay Ma'am o kaya sa inyo." Paliwanag ni Akang.
"Nangyari na nga." Asik ni Popoy.
"Sir, sa totoo lang po natatakot ako. Ang tigas po kasi ng ulo ni Ma'am." Mangiyak ngiyak ang katulong.
"Mabuti pang patawagin ang mga tauhan sa restaurant upang makapagbigay detalye tungkol sa stalker na 'yan." Sabi ni Eagan.
"Umandar na naman kasi ang pagiging feeling super woman ni Ate kaya hayan ang nangyari sa kanya. Hayss, nakaka-stress talaga ang katigasan ng ulo nya." Asar na asar si Cassini.